PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedian Donita Nose diagnosed with pneumonia: “Feeling ko naman talaga, it’s COVID.”

“Ang mahirap yung susunduin ka ng ambulansiya, pagtitinginan ka ng kapitbahay.”
by Jet Hitosis
Published Jul 25, 2020
Comedian-TV host Donita Nose has a message to COVID-19 patients: “Wag kayong mahihiya, hindi naman ito nakakahiyang sakit, e. Di natin ginusto ito, walang may gusto nito.”
PHOTO/S: Donita Nose on Instagram

Halos 100 porsiyentong sigurado ang comedian-TV host na si Donita Nose na mayroon siyang COVID-19.

Ito ang inanunsiyo ng 41-year-old Kapuso TV host nitong Biyernes, July 24, nang mag-Facebook Live siya mula sa emergency room ng St. Luke’s Hospital.

Ayon kay Donita—na Ogie Solano ang tunay na pangalan—minabuti niyang magpunta na sa ospital dahil isang linggo na siyang nilalagnat.

Nakaramdam din daw si Donita ng pananakit ng ulo, inuubo siya, at dumanas ng diarrhea.

Pero nitong Biyernes ay medyo nahihirapan na rin daw siyang huminga.

Batay sa resulta ng paunang tests, sinabi ni Donita na kinumpirma ng mga doktor na mayroon siyang pneumonia.

Karaniwang nagde-develop ng pneumonia ang taong may COVID-19.

Kahit daw gusto ng Wowowin co-host na sa bahay magpagaling, pinayuhan siya ng mga doktor na magpa-confine para masusing ma-monitor ang kanyang kalagayan.

“FEELING KO NAMAN TALAGA, IT’S COVID”

“It’s hard,” naiiyak na sabi ni Donita.

“Mahirap kasi mag-isa ka lang dito, e. So, kailangan mong maging strong. Pero kaya, laban lang ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bawal kasi ang bantay o kahit mga dalaw sa COVID-19 patients.

Nagpa-swab test na rin daw si Donita, at dalawa hanggang tatlong araw ang hihintayin niya bago makuha ang resulta.

“I know, kahit two to three days pa ang result… feeling ko naman talaga, it’s COVID,” aniya.

Kuwento ni Donita, napakahirap magkaroon ng COVID dahil maraming pasyente ang katulad niya sa kinaroroonang ospital.

Sinabi ng stand-up comedian na posibleng manatili siya ng hanggang tatlong araw sa emergency room dahil wala pang bakanteng kuwarto para sa kanya.

Sa dami raw kasi ng COVID-19 patients, pang-20 pa si Donita sa mga naghihintay na mailipat sa sariling hospital room.

HOT STORIES

“SUSUNDUIN KA NG AMBULANSIYA, PAGTITINGINAN KA NG KAPITBAHAY”

Naging emosyonal muli si Donita nang ikuwento kung paano siya sinundo ng ambulansiya mula sa kanyang bahay.

“Ang mahirap kasi, yung susunduin ka ng ambulansiya sa bahay niyo, tapos pagtitinginan ka ng mga kapitbahay.

“Sinundo ka lang naman kasi ng naka-PPE, so alam na nila yun,” napaiyak na kuwento niya.

Ang PPE, o personal protective equipment, ang suot ng health workers ngayong panahon ng pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito, pinalakas ni Donita ang loob ng mga COVID-19 patients.

“Wag kayong mahihiya, hindi naman ito nakakahiyang sakit, e. Di natin ginusto ito, walang may gusto nito.”

Pinayuhan din ni Donita ang kanyang 79,000 Facebook followers na gawin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat laban sa COVID-19.

“Talagang kung tatamaan ka, tatamaan ka, kaya magdodoble-ingat kayo,” sabi niya.

DONITA THANKS TERI, WILLIE, SPEAKER CAYETANO

Nagpaabot din ng pasasalamat si Donita sa mga taong kaagad na tumulong sa kanya, tulad ni Bataan 1st District board member Teri Onor.

Si Teri ay dating stand-up comedian at TV host, tulad ni Donita.

Nangako rin daw na tutulong sa gastusin sa pagpapaospital niya si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Nagpasalamat din si Donita sa Wowowin host na si Willie Revillame, at sa iba pa niyang kapwa comedian-singers na kusa raw nagpaabot ng tulong sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DONITA ASKS FOR PRAYERS

Sa huli, humingi ng dasal si Donita sa publiko para sa agaran niyang paggaling.

“Kahit prayers na lang. Prayers is okay,” sabi niya.

Sakaling magpositibo ang swab test, si Donita ang latest Pinoy celebrity na tinamaan ng COVID-19.

Napagaling sa virus ang multi-awarded actor na si Christopher de Leon, ang aktres na si Iza Calzado, ang veteran drama actress na si Sylvia Sanchez at asawang si Art Atayde, at ang dating aktres na si Niña Jose at asawa nitong si Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao.

Nagpositibo rin sa COVID-19—ngunit mabuti na ngayon ang lagay—ang broadcaster na si Howie Severino, ang aktor na si Jon Lucas, at ang TV personality na si Divine Lee at asawa nitong si Blake Go.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa virus ang actor-director na si Michael V.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian-TV host Donita Nose has a message to COVID-19 patients: “Wag kayong mahihiya, hindi naman ito nakakahiyang sakit, e. Di natin ginusto ito, walang may gusto nito.”
PHOTO/S: Donita Nose on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results