Kabilang ang aktor na si Edu Manzano, 70, sa showbiz personalities na nakiisa sa prayer rally na ginanap sa EDSA Shrine nitong Linggo, Pebrero 22, 2026.
Ang prayer rally ay isinagawa bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Sa Miyerkules, Pebrero 25, ang totoong petsa ng 40th anniversary ng EDSA Revolution na nagpatalsik noon sa rehimeng former President Ferdinand Marcos Sr.
Pagkatapos ng misa na pinamunuan ni Caloocan Bishop Virgilio Cardinal David ay nagkaroon ng programa na dinaluhan ng mga personalidad mula sa iba't ibang sektor.
Mula sa showbiz ay naroon sina Edu, Iza Calzado, Dulce, Noel Cabangon, Arman Ferrer, at ang APO Hiking Society.
Read: Edu nagpasaring sa mga personalidad na nandaya sa golf tournament
View this post on Instagram
Sa mga naglabasang larawan mula sa prayer rally, napukaw ang atensiyon ng netizens sa isang kuha kung saan makikita ang ilan sa mga personalidad habang inaawit ang "Ama Namin."
Kabilang sa nasa larawan sina Senator Bam Aquino, Akbayan Party-list Representatives Chel Diokno and Perci Cendaña, Iza Calzado, si Edu, at isang babaeng ka-holding hands ng aktor.
Kapansin-pansin na lahat sila ay nakataas ang mga kamay.
Bagamat si Edu ay nakataas nga ang kaliwang kamay, hawak naman ng kanyang kanang kamay ang kaliwang kamay ng katabing babae.

WHO IS EDU MANZANO'S NEW GIRLFRIEND?
Ayon sa isang reliable source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang babaeng ka-holding hands ni Edu sa larawan ay walang iba kundi ang bago niyang girlfriend — si Ann Cuisia.
Sa pagsasaliksik ng PEP, napag-alaman naming si Ann ay kilalang personalidad sa corporate tech world.
Sa isang artikulong nailathala sa Manila Bulletin nito lamang February 3, 2026, ay naitampok si Ann.
Inilarawan siya rito bilang "Filipino technology entrepreneur and blockchain advocate with over 20 years of experience in financial technology and digital transformation."
Siya ang founder at CEO ng TraXion Tech, isang tech company na nag-i-specialize sa "Web3 and blockchain innovations to enhance financial inclusion."
Siya rin ay anchor ng Peanut Gallery Media Network (PGMN), isang "Philippine-based digital media startup, founded around mid-2024... it focuses on unfiltered political commentary, debate, and news, positioning itself against corporate-controlled mainstream media."
Inilarawan siya rito bilang "PGMN's first tech anchor, legit tech genius, and enterpreneurial millionaire."

Malinaw na hindi inililihim ni Edu ang pagkakaroon ng bagong karelasyon dahil isinama niya si Ann sa isang public gathering na dinaluhan ng libu-libong katao.
Ayon sa isang pang PEP source, ilang buwan pa lamang daw ang relasyon nina Edu at Ann.
Pero hindi ang EDSA 40 prayer rally ang unang pagkakataong isinama ni Edu si Anne sa mga espesyal na okasyon.
Madalas din daw isama ni Edu ang tech CEO sa private events na dinadaluhan niya.
Bago naging sila ni Ann, ang huling nabalitaang nakarelasyon ni Edu ay ang aktres na si Cherry Pie Picache.
Read: Cherry Pie at Edu, lumabas ulit dalawang taon matapos di magkita
