PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former actor Mel Francisco dies at 78

Mel Francisco passed away on Sunday night, July 25.
by Rachelle Siazon
Published Jul 28, 2021
Si Mel Francisco, na character actor noong 1960s hanggang 1980s, ay binawian ng buhay noong Linggo ng gabi, Hulyo 25, 2021.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / PEP File

Pumanaw na ang dating aktor na si Adolfo Padilla Scheerer Jr. o mas kilala sa screen name niyang Mel Francisco.

Si Mel ay character actor noong 1960s hanggang 1980s. Nagmula siya sa angkan ng mga Padilla. Kilala rin siya bilang ama ng action star na si John Regala.

Namatay siya sa edad na 78. Ipinanganak siya noong Enero 24, 1943.

Ang longtime partner ni Mel na si Jeraldine Mirasol ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na binawian ng buhay si Mel noong Linggo ng gabi, Hulyo 25.

Ang official cause of death ni Mel ay cardiogenic shock, eksaktong 9:52 p.m.

Ayon kay Jeraldine, malinaw sa death certificate ni Mel na negatibo ito sa COVID-19.

Nasa ospital daw si Mel nang bawian ito ng buhay.

Ilan sa mga pelikula noon ni Mel ay Mansanas sa Paraiso (1965), Eagle Commandos (1967), The Strip Teaser (1970), Bala Ko Ang Hahatol (1985), at Pusakal At Mga Yagit (1986).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang taon, August 30, 2020, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Mel.

Dito ay ibinahagi ni Mel na isa sa paborito niyang pelikula ay nang gumanap siya bilang kontrabida sa Bala Ko Ang Hahatol, na pinagbidahan ng pamangkin niyang si Robin Padilla.

Gusto rin daw niya ang pelikulang Mansanas sa Paraiso kunsaan nakatrabaho niya ang aktres na si Stella Suarez.

Balik-tanaw noon ni Mel, "Memorable sa akin na nakatrabaho na aktres si Stella Suarez. Kasi nung nakatrabaho ko siya, buntis na siya hanggang sa nanganak siya kay Richard Gomez. Nakita ko baby pa si Richard Gomez."

Matagal na siyang hindi aktibo sa showbiz.

Nanirahan si Mel sa California, USA ng 27 taon, at nagtrabaho roon bilang sales manager ng isang multinational car company.

Pero retired na si Mel at nanirahan sa Laguna kunsaan may munti siyang negosyo.

MEL ON PADILLA showbiz clan

Ipinagmalaki ni Mel na mula siya sa angkan ng mga artista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ina ni Mel na si Estrella Padilla, o mas kilala bilang Estrella Luna, ay isa ring artista.

Ama ni Estrella si Jose Padilla Sr., yumaong aktor at gobernador ng Bulacan noong 1930s. Kapatid ni Estrella sina Pilar Padilla at Roy Padilla, na pawang mga artista rin noong araw.

Kaya lumalabas na pinsan ni Mel sina Robin Padilla at Rudy Fernandez.

Paliwanag ni Mel tungkol sa angkang Padilla: "Si Rudy Fernandez cousin ko 'yan. Ang nanay niya [na si Pilar] at nanay ko [na si Estrella] magkapatid.

"Si Robin Padilla, yung tatay niya, si yumaong Camarines Norte Governor Roy Padilla, kapatid iyan ng nanay ko.

"Si Rudy at Merle Fernandez, magkapatid 'yan.

"Si Ateng Osorio, tiya ko rin yun, kapatid ng nanay ko."

Malapit daw ang mga magulang nila nina Robin at Rudy noong araw.

Kuwento pa ni Mel noon sa PEP.ph, "Actually, siguro ang mga magkakapatid nung araw—nanay ni Rudy [Pilar], tatay ni Robin [Roy]—magkakasama sila sa isang bahay, although iba-iba ang nanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro mga siyam sila sa isang bahay lang, during the war time, noong panahon ng Hapon.

"Kaya nung lumaki sila, lumaki tatay ni Robin, nanay ni Rudy, para silang magkakapatid, dahil they lived in one roof."

MEL'S QUIET LIFE IN LAGUNA

Nakapanayam ng PEP.ph noon si Mel dahil sa kontrobersiya sangkot ang anak niyang si John Regala, na sinasabi umano sa mga panayam na siya ay patay na.

Maliban doon, ibinahagi ni Mel ang makulay niyang love life.

Aminadong babaero si Mel noong kabataan niya. Mayroon daw siyang "17 children" sa "12 women" na nakaugnayan niya.

Pero diin niya, faithful na siya kay Jeraldine na mas bata sa kanya ng 49 taon.

Masaya raw sila sa pribado nilang buhay sa Laguna.

"Nung nakuha ko itong last wife ko, she was only about 18 years old," pag-amin ni Mel.

Hindi raw naging hadlang ang kanilang age gap sa kanilang pagsasama dahil magkasundung-magkasundo sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglalarawan ni Mel sa relasyon nila ni Jeraldine: "Talagang napakasuwerte ko sa kanya. Ang dami kong asawa, walang tumulong sa akin.

"Hanggang dun lang kami, girlfriend-boyfriend, hanggang sa matulog lang nang magkasama... Walang care.

"Pero itong last wife ko, she's the only woman who took good care of me. Hanggang sa mamatay na ako siya na lang."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Mel Francisco, na character actor noong 1960s hanggang 1980s, ay binawian ng buhay noong Linggo ng gabi, Hulyo 25, 2021.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results