“I am not in any way romantically associated with Kiko.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Heaven Peralejo ukol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa breakup nina Kiko Estrada at Devon Seron.
Sa kanyang Instagram Stories ngayong Biyernes ng gabi, March 12, pinalagan ni Heaven ang akusasyong siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.
Pahayag ng 21-year-old Kapamilya actress, “Associating me with actors I have scenes with can be easy.
“At the end of the day, we’re nothing more than just co-actors working with each other.”
Magkasama sina Heaven at Kiko sa Kapamilya teleseryeng Bagong Umaga.
Ayon pa kay Heaven, hindi siya dapat kinakaladkad sa isyu at bansagang "third party."
Naglabas daw siya ng pahayag upang ituwid ang mga ibinabatong isyu sa kanya.
Saad niya, “I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada.
“However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn't and would never do.
"To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”
Alam daw niyang masakit ang pinagdadaanan ng mga taong naghihiwalay, pero hindi raw tamang isisi ito sa ibang tao na wala namang kinalaman.
Ani Heaven, “I know how painful the process of heartbreaks can be but this does not justify pinning the blame on others who are not involved.
“Although, I do sincerely hope Kiko and Devon would heal from this.
“Anyway, there are far more important issues that we should concern ourselves with.
“Stay safe everyone!”

Pumutok ang balitang hiwalay na sina Kiko at Devon noong March 9 dahil sa cryptic post ni Devon.
In-unfollow rin nila ang isa’t isa sa Instagram.
Ang netizens ang nagdawit ng pangalan ni Heaven sa issue.
Wala pang inilalabas na pahayag sina Kiko at Devon tungkol sa balitang break na sila.
