Nakarating na kay Ina Raymundo ang viral na pahayag ni Andrea Brillantes na nais nitong maka-date ang Filipino-Ukrainian, six-footer na anak ng aktres na si Jakob Poturnak.
Read: Ina Raymundo's son Jakob compared to Hollywood heartthrobs Channing Tatum, Chris Evans
Sa kolum ni Giselle Sanchez sa Manila Bulletin na "Gossip Girl" kahapon, August 29, 2023, ibinahagi ng TV host-comedienne na naka-dinner niya si Ina noong Biyernes, August 25, at saglit nilang napagkuwentuhan ang vlog ni Andrea.
Ayon kay Giselle, gusto rin ni Ina si Andrea at “flattering” ang naging pahayag nito tungkol kay Jakob.
Pero, hindi raw hawak ni Ina ang pagpapasya ng binatang anak.
Sabi ni Ina, “I like Andrea, and I find her comments flattering and amusing. It’s raw and unfiltered.
"I am also not sure if she was serious or just kidding around.
"Unfortunately, I cannot decide for my kids Jakob and Erika on their choices and love life. It’s really up to them.
"Also, the two are too busy in school abroad to comment on this.”
Sa vlog ni Andrea na lumabas noong August 21, napagkatuwaan nila ng kanyang mga kaibigang babae na maglaro ng "Date or Pass" game, kung saan sasabihin nila kung idi-date o magpa-pass sila sa mga babanggiting male celebrities.
Isa sa nabanggit na pangalan ay si Jakob kung saan sinabi ni Andrea na nais niya itong maka-date.
Ibinahagi pa ng actress-vlogger na mayroon na silang encounter noon.
Lahad ni Andrea, “I would definitely date. Gusto ko lang sabihin na dati nagpakilala siya sa akin. I was with Bea. Kaso ka-holding hands ko yung ex ko nun. Tapos nagpakilala siya sa akin. Sabi niya, ‘Hey, I’m Jakob.’
“Guwapung-guwapo na ako sa kanya dati pa.”
Mensahe pa niya kay Jakob, “‘Hi, Jakob! If you’re watching I’m single now.’”
Umani ng negatibong komento mula sa ilang netizens ang pagpaparamdam umano ni Andrea kay Jakob.
Para raw kasing hindi maganda sa isang babae na gumagawa ng first move sa mga lalaki.
Pero, hindi ito inalintana ni Andrea at patuloy lamang siya sa kanyang trabaho.
Read: Andrea Brillantes amazed at "OA" reaction of netizens to her comment about Jakob Poturnak
