Sinagot ni Inigo Pascual ang tanong ng ilang netizens kung bakit hindi niya binati sa social media ang inang si Donnabelle Lazaro noong kaarawan nito.
Sa pamamagitan ng Instagram Story kagabi, November 11, 2022, inihayag ng Monarch star ang kanyang saloobin sa pangingialam na ito ng netizens.
Wala siyang tinukoy kung saan niya nabasa ang mga pag-uusisa ng mga ito.
Pero ayon kay Inigo, hindi naman dapat uriratin ito sa kanya.
Halos lahat daw ng best moments nilang mag-ina ay off-cam at hindi kailangang ibahagi sa social media.
Saad ni Inigo (published as is): “People askin why i didnt post for my moms bday. Why is that your business anyways?
"Some of my best moments with my mom are off cam, and doesn't always have to be shared on social media. Social media doesn't always need to know everything.”

Dagdag pa niya, ang kanyang ina ang nakakakilala sa kanya nang totoo lalo na kapag wala sa kamera.
Mahal daw niya ito at ito ang pinakamahalaga sa lahat.
Sabi ng singer-actor, "My mom is the only person that knows me best On and especially Offcam
“I love her and she knows that. Thats all that matters to me."

Si Inigo ay anak ni Donnabelle sa aktor na si Piolo Pascual.
