Isa sa madamdaming tagpo sa huling gabi ng lamay para kay Ricky Davao ang mainit na yakapan nina Jackie Lou Blanco at Mayeth Malca Darroca.
Naganap ito sa Heritage Park Chapels sa Taguig City, kagabi, May 6, 2025.
Read: Tearful Jackie Lou Blanco says she had "closure" with Ricky Davao
Si Malca ang non-showbiz partner ni Ricky. Naging magkarelasyon sila mula taong 2022.
Si Jackie Lou ang finale sa mga nagbigay ng eulogy, at hindi niya pinalampas ang pagkakataong pasalamatan si Malca.
"I want to thank you, Malca, Ricky's girlfriend, for taking such good care of Ricky," sabi ni Jackie Lou.
Sa puntong ito, lumapit si Malca sa harap at niyakap si Jackie Lou, at ginantihan din ito ng aktres ng mahigpit na yakap.
Inalo pa nila ang isa't isa.
Sabi pa ni Jackie Lou kay Malca: "I want to thank you so much. Thank you from my family to yours.
"Thank you so much for loving Ricky as you did. Thank you."
Read: Ricky Davao, naging "lover" noon ang ama ni Jamie Wilson

JACKIE LOU BLANCO INTRODUCES MALCA AND CHERYL
Emosyunal man si Jackie Lou sa kanyang eulogy, nagkaroon din ng light moments.
Lalo na nang ibahagi niyang tatlo silang babaeng malapit sa puso ni Ricky na nakasama nito hanggang sa huling mga sandali ng buhay ng aktor.
"Alam niyo, nung nasa hospital si Ricky, tatlo po kaming babae na nandoon," rebelasyon ni Jackie Lou, na nagpatawa nang malakas sa mga bisita sa lamay.
Napatawa tuloy pati si Malca, na noo'y katatapos yakapin ang anak ni Jackie Lou na si Rikki Mae na nasa harapang pew ng chapel.
Hirit pa ni Jackie Lou: "Stand up so that you can see the three beautiful women in Ricky's life. Si Malca at si Cheryl."
Tumalima naman si Cheryl at nakangiting kumaway pa sa mga tao sa bandang likuran ng chapel.
Si Malca, na nakatayo pa sa harap, ay ngumiti at waring nahihiyang kumaway rin.
Read: Ricky Davao, kinumbinse ni Lino Brocka noon na magteatro
JACKIE LOU BLANCO ABOUT A HOSPITAL SCENE
Umupo ulit sina Cheryl at Malca habang nagpatuloy sa pagkuwento si Jackie Lou.
Naka-confine na raw noon sa ospital si Ricky dahil sa sakit na cancer.
Lahad ni Jackie Lou: "Siyempre nandoon po kami lahat dahil nasa hospital si Ricky.
"Sabi po nung doktor ni Ricky sa akin, 'Ma'am, puwede po ba kayong makausap?' 'Ano pong problema, Doc?'
"Kasi sabi ko, nasa ICU na si Ricky. May problema pa ba? Madadagdagan pa?
"Sabi niya, 'I want to know kasi how I will address you.' At saka he has this puzzled look on his face, as in talagang parang ano ba ang gagawin."
Naguluhan daw ang doktor sa kung sino sa kanila nina Malca at Cheryl ang lalapitan.
"'E, ikaw ba?'
"Sabi ko, 'Well, I'm the wife...'
"'Sino po yung naka-red?' I think it was Malca.
"'Ah, yun po yung partner ni Ricky.'
"'E, yung isa po?'"
Napayuko si Jackie Lou sa pagpigil ng tawa habang tawanan uli ang mga bisita sa chapel.
"Yun po yung nanay ng youngest ni Ricky," tukoy naman daw ni Jackie Lou kay Cheryl.
Si Ricky ay may isang anak na dalaga kay Cheryl.
Sina Jackie Lou at Ricky ay may tatlong anak, sina Kenneth, Rikki Mae, at Ara.
Hindi raw napigilan ng doktor na mapatanong, "Okay po kayong tatlo?"
Tawanan ulit ang mga bisita.
Sagot ni Jackie Lou ukol sa relasyon nila nina Malca at Cheryl, "Obviously, okay kami, di ba?"
Kaya raw nilang idaan sa biro ang kanilang sitwasyon.
"Ang joke nga namin, magkakasama kaming tatlo—Si Aida, Si Lorna, at Si Fe.
"Pag kami lang ni Malca, Ang Dalawang Mrs. Real."
Ang "Si Aida, Si Lorna O Si Fe" ay ang titulo ng hit song ni Marco Sison na ini-release noong 1991.
Ginawan din ito ng pelikula na may kaparehong titulo at ipinalabas din noong 1991.
Tampok dito sina Miguel Rodriguez, Carmi Martin, Aurora Sevilla, at si Jackie Lou. Idinirek ito ni Johnny Manahan.
Ang Dalawang Mrs. Real naman ang titulo ng 2014 prime-time series ng GMA-7 na pinagbidahan nina Maricel Soriano, Lovi Poe, at Dingdong Dantes.
Pagpapatuloy ni Jackie Lou: "But kidding aside, I mean, when these things happen, matters like this are not important anymore.
"I mean, we were all there to take care of Ricky in our own way.
"I was there not only to check on Ricky but to make sure that my children are okay because it was very difficult for them.
"But I'd like to say that the reason why we are all okay is because of the kind of man and person that Ricky was."
Bandang dulo ng speech ni Jackie Lou ay may binasa siyang farewell message para kay Ricky.
Humarap siya sa urn habang binabasa niya ito.
"Though our time together, Ricky, changed shape over the years, I will always honor the good we shared and the family that we built.
"Your presence will be missed in the everyday moments, the family gatherings na lagi kang nagpapatawa, the quiet ways you show how you cared.
"I'm thankful for the life you helped shape, for the father and grandfather you were, and the memories that will live on in our children and grandchildren.
"Ricky, rest well knowing how deeply loved you are by all of us."
Pumanaw si Ricky sa edad na 63 noong May 1, 2024.
Ito ay matapos ang limang buwang pakikipaglaban sa cancer.
Nauwi pa raw sa bahay si Ricky matapos ang matagal na pagkaka-confine sa ospital.
Kapiling ni Ricky ang lahat ng mga mahal sa buhay nang pumanaw ito.
Read: Ricky Davao, pumanaw kapiling ang kanyang pamilya
