Lumikha ng debate sa social media ang reklamo ng vlogger na si James Deakin laban sa Land Transportation Office (LTO).
Nag-ugat ito sa traffic violation ng 19-anyos na anak na lalaki ni James.
Noong December 18, 2025, nagmamaneho ang anak ni Deakin sa Skyway, Northbound papuntang Quezon Avenue exit.
Nahuli ito ng traffic enforcer dahil sa violation na reckless driving dahil sa paglipat nito ng lane sa area na may double solid lane traffic control marking.
Nakumpiska ang driver's license ng anak ni Deakin dahil dito.
Read: Juliana Gomez, Ricci Rivero spotted holding hands at a mall
JAMES DEAKIN GOES PUBLIC ABOUT SON'S TRAFFIC VIOLATION
Nauna si Deakin na isinapubliko ang insidenteng kinasangkutan ng anak.
Sa kanyang Facebook post noong January 5, 2026, inilahad ni Deakn na nag-cross nga ang kanyang anak ng double yellow lane sa Skyway — malinaw na isang traffic violation.
Tinawagan daw siya ng anak, at pinayuhan niya itong tanggapin ang ticket para sa violation nito.
Pero nang makita raw ni Deakin ang ticket, kinuwestiyon niya kung bakit dinagdagan ng "reckless driving" ang violations na "improper lange change" or "disobeying traffic signs."
Inalmahan ito ni Deakin dahil, sa pagkakaintindi niya, ang reckless driving ay puwedeng maging "criminal offense" sa ilalim ng batas ng Pilipinas at puwedeng maitalang "permanent record" sa violator.
Dagdag niya: "A new driver making an improper lane change at very low speed doesn’t meet that standard.
"What my son did was a traffic violation. It happens. Imagine if what the officer wrote affects his future employment, insurance, and travel. That’s not 'following the rules'—that’s creating them on the spot."
Iyon daw ang "first red flag" para kay James.
Read: WillCa fans take a "pause"; DustBia spotted in Thailand
JAMES DEAKIN ON LTO'S 15-DAY PERIOD FOR SETTLEMENT
Sumunod na kinuwestiyon ni Deakin ay ang "15 days" na period para mag-settle ng traffic violation sa LTO.
"The ticket says we have 15 days to settle and retrieve the license. This happens a few days before Christmas.
"As we were traveling, we figured we’d handle it during the break between Christmas and New Year."
Hindi binanggit ni Deakin ang petsa kung kailan siya unang nagpunta ng LTO office, pero Sabado raw iyon, at napag-alaman niyang sarado ang LTO.
Pinayuhan daw silang bumalik na lang ng January 5.
Ang nangyari noong January 5: "After several hours of being shuffled from office to office, counter to counter, and eventually paying the 2,000 peso fine, they tell us they won’t release the license without the OR/CR of the vehicle.
"'But it wasn’t our car,' I explain. 'And all the vehicle information is already written on the ticket. Can’t you just process it?'
"'No. We need the printed OR/CR. And we need it xeroxed.'
"I point out what I thought was obvious: 'The LTO already has the plate number, make, model, and registered owner on the ticket. What does the OR/CR add? If this was about safety or accountability, you’d have everything you need.'
"'We still need it,' they say.'"
Tingin ni Deakin, walang "enforcement purpose" ang OR/CR requirement.
Pero sinunod na lang daw niya at saka siya humingi ng OR/CR mula sa manufacturer ng kotse.
Pero pagbalik daw niya ng LTO, sinabihan daw siyang lampas na ng 15-day deadline.
Dahil dito, sinuspinde raw ng LTO ng isang buwan ang lisensiya ng anak ni James.
Nangatuwiran daw si Deakin sa LTO na sarado ang LTO office ng walong araw, kaya tinanong niya kung "15 working days" ang period for settlement ng traffic violations sa LTO.
Pero sinabihan daw siya sa LTO office na kasama ang Christmas, New Year, government holidays, at weekends sa 15 days na settlement period.
Inalmahan ni James ang aniya'y kakulangan ng palugit, lalo na sa panahong madaming holidays.
Himutok niya: "The government gives you 15 days. Then closes for more than half of them. Demands documents that have nothing to do with the violation. Won’t accept digital copies in 2026. Then penalizes you for being late.
"I’ve waited 10 years for a plate, and even longer for those stupid little stickers we paid for and never got. And LTO was never held accountable for that. In fact, they even have the audacity to apprehend countless motorists for driving without a plate that they cannot provide."
Tingin din ni Deakin, hindi patas ang pagpataw ng automatic penalty na suspension of license dahil sa aniya'y kakulangan ng palugit para ma-settle ng anak ang traffic violation nito.
Nag-viral ang FB post ni Deakin at nagresulta ito sa iba-ibang opinyon sa isyu.
Read: Jhenroniel Sanchez: Top 1 in bar exams is "very average student"
LTO CHIEF CALLS FOR A PRESSCON TO EXPLAIN THE INCIDENT
Kahapon, January 8, humarap sa press si LTO chief Markus Lacalinao na tatlong buwan pa lamang nakaupo sa kanyang puwesto.
Dito ipinaliwanag ni Lacalinao kung bakit "reckless driving" ang ipinataw na traffic violation sa anak ni Deakin.
Ipinunto niya na ang reckless driving ay "pagmamaneho na nagpapakita ng kawalan ng wastong pag-iingat alinsunod sa alituntunin ng kaligtasan sa kalsada."
Ipinakita rin ni Lacalinao ang screenshot ng CCTV footage ng traffic violation ng anak ni Deakin.
Makikita ritong mahaba ang pila sa lane pa-exit sa Quezon Ave sa Skyway, Northbound.
Nasa kabilang lane ang kotseng minamaneho ng anak ni Deakin, at sinubukan nitong sumingit sa outer lane para hindi malampasan ang Quezon Ave exit.
Punto ni Lacalinao: "Yun yung sinasabing reckless—bigla kang sumingit, pumasok. Kitang-kita niyo naman po.
"Ang sinasabi kasi, traffic naman. Pumasok po, e. Tapos nasa harap pa ng enforcer nung pumasok.
"Lahat po tayo dito nagmamaneho, alam po natin kung gaano kabilis sa Skyway.
"Pag nangyari yan, lumampas na lang tayo, kasi baka mabangga siya."
Dahil huminto ang sasakyan ng anak ni Deakin habang sumisingit sa outer lane, mapapansing may build-up din ng mga sasakyan sa likuran nito.
Dagdag ni Lacalinao, "Siya yung nag-cause ng traffic, e. Mabibilis yung sasakyan buti hindi siya natumbok."
Single lane ang lane pa-exit ng Quezon Avenue, kaya sana raw ay doon humilera ang anak ni Deakin.
May signage naman daw na 1KM at 500M bago dumating ng mismong exit para makapaghanda ang motorista na pumila sa exit lane.
Ipinunto rin ni Lacalinao na hindi tama ang interpretasyon ni Deakin na posibleng magkaroon ng permanent record ang anak nito dahil sa reckless driving violation.
Ayon kay Lacalinao, nakasaad sa administrative order 2014-01 na "administrative" ang "nature" ng penalty sa reckless driving at hindi ito criminal offense.
Binanggit din ni Lacalinao na iba ang reckless driving sa reckless imprudence.
Ang reckless imprudence, aniya, ay may kinalaman sa traffic violation kunsaan ang motorista ay nakasakit ng tao o nakasira ng property.
Read: Melanie Marquez addresses drug-use allegations
LTO CHIEF ON SETTLEMENT PERIOD FOR TRAFFIC VIOLATION
Sumunod na ipinaliwanag ni Lacalinao ay "15 calendar days" lamang daw talaga ang inilalaan para mag-settle ng traffic violation.
"Calendar days po ay nakasaad sa ating traffic adjudication rules, hindi po working days. Included ang calendar days, weekends, and holidays."
Sa kaso raw ng anak ni Deakin, kung December 18 naganap ang insidente, may ilang calendar days daw para ma-settle nito ang traffic violation sa LTO Office.
"Dahil naganap ang apprehension sa panahon ng Kapaskuhan, inaasahan na sarado po talaga ang tanggapan ng pamahalaan.
"Dapat isaalang-alang ng motorista ang mga umiiral na holidays at schedule ng opisina sa pag-aasikaso ng kanyang obligasyon.
"Klaruhin ko lang po, wala pong opisina ng gobyerno ng Sabado, which is nung December 27 na pumunta sila."
Nang tanungin si Lacalinao ng press kung bakit 15 calendar days at hindi 15 working days, ang sagot niya: "Pag-aaralan po natin. Pero sa rules, hindi po talaga naka-specify na working days.
"Kahit sa Supreme Court decisions, sa civil code, calendar days talaga."
Idinagdag din ni Lacalinao na sa "temporary operating permit" o TOP o ticket na ibinigay sa anak ni Deakin ay may konotilya na may limang araw ang motorista para i-contest sa LTO ang violation nito.
Iyon daw ang guide para sa motorista sakaling hindi ito sang-ayon sa ipinataw na violation dito.
Read: Heart Evangelista reacts to "nakagat ng garapata" news about her
LTO CHIEF ON OR/CR ISSUE
Ayon pa kay Lacalinao, nang imbestigahan niya ang isyu, napag-alaman niyang hindi raw rehistrado ang kotseng minaneho ng anak ni Deakin.
Ipinaliwanag niya na ang dokumentong pinakita ni Deakin sa LTO Office noong January 5 ay hindi OR/CR kundi sales invoice ng dealer mula sa importer.
Iba raw iyon sa sales invoice ng dealer to buyer, na nagpapatunay na nabenta na ang sasakyan.
Ipinunto ni Lacalinao na hindi tama ang practice na pinapagamit ng dealer ang sasakyan nang walang kaukulang dokumento.
"Hindi po dapat tumatakbo sa kalye yun. Yun ay dapat nasa showroom or factory. Pag lumabas yan, kailangan maglabas ng sales invoice," ani Macalinao.
Kung tutuusin ay "double reckless driving" daw ang violation ng anak ni Deakin, dahil reckless driving din daw na maituturing ang pagmamaneho ng sasakyan nang walang official receipt at certificate of registration (OR/CR).
Binanggit pa ni Lacalinao na noong Nobyembre ay nakahuli raw siya ng isang luxury car na pinapa-test drive sa isang blogger na walang tamang papeles kaya ito na-impound.
Sinabi rin niya na kung brand new ang kotse, puwede itong maimaneho na pero binibigyan ito ng 15 days na palugit para mairehistro sa LTO.
May mga pagkakataong hinihingi ng enforcer ang OR/CR ng motorista bilang patunay ng ownership at registration ng sasakyang minamaneho nito.
Pero sa kaso ng anak ni Deakin, nasilip ang kawalan ng OR/CR doon na sa LTO Office.
Nagpadala na raw si Lacalinao ng show cause order sa dealer para ipaliwanag kung bakit nito pinahintulatang lumabas ang sasakyan nang walang kaukulang papeles.
Nagpadala rin daw si Lacalinao ng show cause order sa police enforcer na nag-apprehend sa anak ni Deakin.
Nagpadala rin daw ng subpoena si Lacalinao sa anak ni Deakin para ipaliwanag kung bakit dapat hindi ito patawan ng reckless driving.
Read: Melanie placed in mental and rehab facilities without consent
JAMES DEAKIN ADMITS SON'S CAR IS A "LOANER"
Kahapon, January, 7, inalmahan ni Deakin ang aniya'y "trial by publicity" ng LTO dahil sa presscon na ipinatawag ni LTO Chief Lacalinao.
Noong January 6, o isang araw makalipas ang viral FB post ni Deakin, nag-isyu raw ang LTO ng pahayag na iimbestigahan ang isyu.
Nagulat na lang daw si Deakin na sa halip na siya at ang kanyang anak ang paliwanagan ng LTO ay na-broadcast na raw ng LTO ang isyu sa media.
Saad niya: "That’s not due process. That’s trial by publicity. And an obvious deflection from the real issues, which is the bureaucracy and double standards at the LTO.
"It was then that they also announced that the vehicle was unregistered. This was the first time for me to hear of that."
Sa puntong ito ipinaliwanag ni Deakin na "loaner" ang sasakyan na minaneho ng kanyang anak.
Aniya: "I accepted it in good faith as it had the conduction sticker and temporary plate—but regardless of that, I understand that ignorance is no plea for the law so I accept full responsibility for not having double checked it first before letting my son drive it. I own that."
Ayon kay Deakin, hindi naman nakasaad sa traffic violation ng anak na wala itong dalang OR/CR at ni hindi raw iyon sinabi ng enforcer.
Sinasabi rin ni Deakin na hindi iyon kinuwestiyon sa LTO Office na pinuntahan niya, taliwas sa una niyang FB post na hiningan siya ng OR/CR ng LTO Office, bagay na hindi niya na-provide noon.
Nilinaw rin ni Deakin na hindi niya kinukuwestiyon ang traffic violation na ipinataw sa kanyang anak, dahil tinanggap pa raw ng anak ang ticket at nagbayad ng multa para sa violation nito. Kaya bakit daw iyon tinalakay pa sa presscon.
Taliwas ito sa sinabi ni Deakin sa una niyang FB post kunsaan nagpahiwatig siya na masyadong mabigat ang reckless driving para ipataw sa kanyang anak dahil baka maging permanent record ito—bagay na klinaro ng LTO chief sa presscon.
Ipinunto naman ni Deakin na ang gusto niyang linawin ay ang 15 calendar days para sa settlement ng traffic violation.
Dahil kung ang LTO nga raw mismo ay buwan o taon ang itinatagal bago makapag-release ng car plate at driver's license cards, bakit ang motorista ay hindi man lang daw mabigyan ng karampatang palugit para sa settlement.
"Yet when we miss the deadline, even when you’re closed, it’s automatic suspension and public shaming," ani Deakin.
Base naman sa FB post ni Deakin ngayong araw, January 9, natanggap niya na ang show cause order mula sa LTO.
Sa presscon ng LTO kahapon, idiniin ni Lacalinao na hindi porke kilala ang nagreklamo kaya nagpa-presscon ang LTO.
Ang layunin daw niya ay para ipaliwanag sa ibang motorista ang sistema sa pag-settle ng traffic violations gawa ng nag-viral na isyu.
Hinihikayat din niya ang motorista na kapag may reklamo ay magtungo sa regional office o sa regional director ng LTO.
Para sa mga motoristang taga-Metro Manila ay puwede raw puntahan ang tanggapan niya para maaksiyunan ang reklamo.
Sinabi rin ni Lacalinao na bilang bago siya sa LTO, unti-unti raw siyang nagsisimula ng reporma para ma-improve ang sistema ng ahensya.
Humingi siya ng pakikipagtulungan ng taong-bayan para matupad ito.
"Lahat tayo hindi perpekto. Maraming ahensya ng gobyerno hindi perpekto. Pero meron pa ring matitinong taong nasa loob na nagtutulong para ayusin ang ahensya," sabi ng LTO chief.
Read: Michael Pacquiao's girlfriend breaks silence on age-gap issue
DOTR: NO MORE CONFISCATION OF DRIVER'S LICENSE
Samantala, nagkaroon ng latest development sa sistema ng traffic violations.
Ngayong araw, January 9, inanunsiyo ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na naglabas ng memo ang Department of Transportation (DOTr) na hindi na kukumpiskahin ng traffic enforcer ang driver's license ng motoristang may violation.
Sa halip ay nakaalerto ang LTO sa violation ng motorista, at awtomatikong isususpinde ang lisensya nito kapag hindi nito na-settle ang violation sa loob ng "15 working days."
Ibig sabihin, hindi na calendar days kundi working days ang ipatutupad ng LTO sa 15-day period na settlement para sa traffic violation.
