Janella Salvador is pregnant; will give birth this October—source

by THE PEP STAFF
Sep 18, 2020
Close on the heels of the confirmation that Markus Paterson and Janella Salvador (left) are now an item is the rumor that Janella is pregnant. Helping fuel the rumor is that Janella's mom, Jenine Desiderio (right), flew to the U.K., where Mark's family lives. A PEP source confirms that Janella is pregnant.
PHOTO/S: @superjanella on Instagram / Facebook (Jenine Desiderio)

Buntis nga ba si Janella Salvaldor?

Ito ang mainit na pinagtatalunan ng netizens sa social media nitong mga nakaraang araw, kasunod ng pag-amin nina Janella at Markus Paterson sa kanilang relasyon.

Nitong September 12, 2020, Sabado, nag-post sa Instagram ang dalawang Kapamilya stars para kumpirmahin ang estado ng kanilang relasyon.

Naunang nag-post si Markus, at sumunod si Janella pagkalipas ng ilang oras.

August 2019 nang simulang ma-link ang dalawa, subalit umiilag sila sa tuwing natatanong tungkol sa kanilang relationship status.

Ngayong weekend, tinuldukan na nila ang mga espekulasyon at kinumpirmang sila na nga.

Pero hindi rito natapos ang usap-usapan.

Ang siste, buntis umano si Janella at manganganak daw sa ibang bansa?

JANELLA TO GIVE BIRTH THIS OCTOBER—source

Ngayong Huwebes ng gabi, September 17, isang source ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkumpirmang buntis si Janella.

Nakatakdang manganak si Janella sa Oktubre, sabi ng aming source na tumangging mapangalanan.

Continue reading below ↓

Sinabi rin ng source na alam na ng piling malalapit na kaibigan ng aktres ang tungkol sa kanyang kalagayan.

May isa pang source ang nakapagsabi sa PEP na ang paalam nga raw ni Janella ay mag-aaral siya sa United Kingdom.

Kung titingnan ang Instagram ni Janella, aktibo pa rin ito sa pagpo-post, pero hindi niya ini-indicate kung nasaan siya mismo.

Samantala, hindi naman itinatago ni Markus sa kanyang recent posts na nasa United Kingdom siya ngayon kasama ang kanyang pamilya roon.

Nag-post naman ng mga video ang ina ni Janella na si Jenine Desidero, na nasa United Kingdom kasama si Marcus.

JENINE DESIDERIO FLIES OUT OF THE COUNTRY AMID PANDEMIC

Noong Huwebes, September 10, lumipad paalis ng Pilipinas ang ina ni Janella sa kabila ng kasalukuyang pandemya.

Kasama ni Jenine ang anak na si Russell, ang nakababatang kapatid ni Janella.

Sa kanyang Instagram, ipinost ng seasoned stage singer-actress ang picture nila ni Russell, na nakasakay ng eroplano at nakasuot ng face shield at face mask.

Continue reading below ↓

Hindi muna tinukoy ni Jenine ang kanilang destinasyon.

Sa sumunod niyang post, pinapahulaan ng veteran singer-actress kung saan siya nagpunta.

Nag-post siya ng larawan ng fish and fries, na may caption na: “Can you guess where I am?”

Sunud-sunod ang hula ng netizens sa bansang kinaroroonan ni Jenine.

Maraming netizens ang nagkomento na sa U.K. lumipad si Jenine, at ang rason ng kanyang paglipad ay dahil daw sa pagbubuntis ng anak na si Janella.

Continue reading below ↓

Magkakahalo ang mga komento ng netizens.

May mga nagsasabing huwag nang itagong buntis si Janella.

Ang iba, ipinagtatanggol si Janella at nagsabing huwag maging mapanghusga.

Walang sinagot si Jenine sa mga komento.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

THE VIDEOS

Noong Sabado, September 12, nag-post ng video si Jenine sa Facebook Story. Dito ay inilantad niya ang kanyang lokasyon.

Nag-post siya ng video sa Facebook Day Story at siya na mismo ang nagsabing nasa U.K. siya.

Makikita sa isa pang video na kanyang ipinost si Markus, kasama si Russell, na naglalaro ng football sa hardin ng isang bahay.

Hindi nakita sa video si Janella.

Continue reading below ↓

Samantala, ipinost ng isang gossip site sa YouTube ang maiksing video clip na binuo mula sa Instagram Live ni Markus.

Mapapanood sa video si Markus na katabi nito ang kanyang British dad na si George Paterson.

Dinig sa background ang boses ng isang bata at isang babae, pero hindi sila nakita sa video.

Continue reading below ↓

Ang sabi ng babae, na kaboses ni Janella: “Oh my gosh, I almost jumped, and that’s not good. I’m not allowed to jump.”

Komento ng netizens, ang bata namang narinig na tumawa ay ang kapatid ni Janella na si Russell.

Si Janella, 22, ay homegrown talent ng ABS-CBN at nagsimulang sumikat sa daytime teleseryeng Be Careful With My Heart (2012-2014).

Huli siyang napanood sa teleseryeng The Killer Bride (2019-2020).

Si Janella ay anak ni Jenine Desiderio sa musician na si Juan Miguel Salvador.

Si Markus, 22, ay ipinanganak at lumaki sa sa London, United Kingdom.

Umuwi siya ng Pilipinas, at sumali sa reality-singing competition na Pinoy Boyband Superstar noong 2016.

Nitong mga nakalipas na araw, simula noong September 13, Linggo, nagpadala ang PEP.ph ng mensahe sa talent manager ni Janella, ang film director na si Manny Valera, para hingan ng reaksiyon hinggil sa balitang pagbubuntis ni Janella.

Wala kaming nakuhang sagot.

Continue reading below ↓

Noong Linggo ay nagpadala rin kami ng message kay Jenine. Wala rin kaming nakuhang sagot.

Agad ilalathala ng PEP.ph ang anumang pahayag na manggagaling sa mga nabanggit sa balitang ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Close on the heels of the confirmation that Markus Paterson and Janella Salvador (left) are now an item is the rumor that Janella is pregnant. Helping fuel the rumor is that Janella's mom, Jenine Desiderio (right), flew to the U.K., where Mark's family lives. A PEP source confirms that Janella is pregnant.
PHOTO/S: @superjanella on Instagram / Facebook (Jenine Desiderio)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results