Janella Salvador explains why she hid her pregnancy; says Baby Jude is "made from love"

by Rachelle Siazon
Jan 9, 2021
Janella Salvador says she and boyfriend Markus Paterson first learned about her pregnancy during their trip to Boracay in February 2020: "I took the test there... 'Tapos nung nalaman ko, lumabas ako ng bathroom. Sabi ko, 'It's positive.'"
PHOTO/S: Janella Salvador Instagram / M & J YouTube

"Made from love."

Ito ang paglalarawan ni Janella Salvador sa pagkakaroon nila ng anak ng kasintahang si Markus Paterson.

Aminado si Janella na may "mentality" ang ibang tao na "just because we're not showing it we're not proud."

Diin niya, "Hindi ganun."

Wala raw dahilan para ikahiya ni Janella ang pagkakaroon ng anak, kahit pa sabihin ng iba na hindi pa ito napapanahon dahil nasa peak ang kanyang showbiz career.

"Biggest realization ko na pinag-isipan ko talaga was nakakatuwa kasi the very thing na akala ng mga tao ma-e-embarrass ako...

"Siyempre I'm 22. There's so much ahead of me. And I'm a mom."

Kung mayroon man siyang agam-agam noon, napawi raw lahat nang una niyang masilayan ang anak.

Lahad ni Janella: "The very thing na akala ng ibang tao ikahihiya ko, it gave me more confidence in life.

"It gave me more strength, more confidence to speak up.

"Wala na akong pretensions ngayon.

Continue reading below ↓

"Basta may certain confidence siya na binigay sa akin."

Pahayag ito ni Janella sa panayam sa kanya ni Maja Salvador noong January 7, 2020. Mapapanood ito sa social media platforms ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

THE FIRST TIME JANELLA AND MARKUS LEARNED ABOUT HER PREGNANCY

Kuwento pa ni Janella, kakatapos lang ng The Killer Bride nang malaman niyang siya ay buntis.

Ang The Killer Bride ay ang prime-time series na pinagbidahan nina Janella, Maja, Joshua Garcia, at Geoff Eigenmann. Natapos iyon noong January 17, 2020.

February 2020 naman nang magbakasyon sina Janella at Markus sa Boracay.

Doon raw nag-pregnancy test si Janella.

Balik-tanaw niya: "We were just there, as in random lang, to take a break, to enjoy before the pandemic.

"I took the test there, 'tapos dalawa yung tinake ko.

"'Tapos nung nalaman ko, lumabas ako ng bathroom. Sabi ko, 'It's positive.'"

Kahit na hindi inaasahan ang pagbubuntis niya, nangibabaw daw ang saya nina Janella at Marcus.

Continue reading below ↓

Dugtong ni Janella, "'Tapos nagtinginan kami. Kinabahan ako, pero we were like, 'Why can't we stop smiling?'

"Andun yung I was just so happy. Hindi ko ma-explain."

Noong una ay medyo surreal pa raw kay Janella na may sanggol sa kanyang sinapupunan.

"Actually, the first few months, parang di pa masyado halata.

"Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin. Sabi ko, 'Meron ba talaga?' Parang ang weird isipin," napapangiting sabi pa ni Janella.

JANELLA'S SECRET PREGNANCY

Aminado hindi siya nagpakita sa publiko noong siya ay buntis. Hindi raw siya lumabas sa bahay noong siya ay nasa Manila pa.

"For me, as much as I wanted to go out, see the sun, siyempre habang lumalaki din ako, I didn't want to be seen muna.

"So naka-lock up talaga ako sa bahay the whole time. I tried to find ways na maglakad-lakad sa bahay. Mahirap."

Mula June hanggang August 2020, bali-balita na sa social media na siya ay nagdadalantao, pero walang makapagkumpirma nito.

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon ay hindi pa rin umaamin sina Janella at Markus na sila ay magkasintahan.

Noon lamang September 12, 2020 nila isinapubliko ang tungkol sa kanilang relasyon.

Makalipas naman ang anim na araw, noong September 18, 2020, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na totoong buntis si Janella.

Sinabi rin ng sources ng PEP.ph na inaasahang October 2020 ang delivery date ng aktres.

Pero tikom pa rin ang bibig ng aktres ukol sa isyu.

JANELLA ON TELLING THEIR LOVED ONES ABOUT IT

Wala man siyang pahiwatig sa publiko, siniguro raw nina Janella at Marcus na alam ng mga taong malapit sa kanila ang tungkol sa kanyang pregnancy.

Ang co-manager daw ni Markus na si Allan Altera ang unang nakaalam ng pagbubuntis ni Janella.

Kasama raw kasi nila si Allan noong nagbakasyon sina Janella at Markus sa Boracay.

Natutulog daw si Allan nang malaman nina Janella at Markus sa pregnancy test na buntis nga ang dalaga.

Continue reading below ↓

Nag-alangan raw sina Markus at Janella, "Gigisingin ba natin? Baka ma-heart attack siya."

Hinintay na lang daw nilang magising si Allan, na "best in reaction" daw sa kanilang balita.

Ayon pa kay Janella, "best in reaction" din si Maja dahil napaiyak pa raw ito nang malaman nito na buntis siya.

Hindi rin daw maiwasan ni Janella ang maging emosyunal sa mga ganung pagkakataon.

"Kasi siyempre marami akong pinaghandaan na pagsasabihan na tao. So pag sinasabi ko na sa mga tao na pinag-prepare-an ko, dun ako naiiyak or kinakabahan talaga."

Sina Maja, Erich Gonzales, Kyle Echarri, at Patrick Sugui ang ilan sa mga artistang sinabihan nina Janella at Marcus tungkol sa kanilang baby.

JANELLA ON GOING PUBLIC ABOUT BABY JUDE

Hanggang sa noong January 5, 2021, ipinakilala na nina Janella at Markus ang kanilang supling na si Jude Trevor.

Sa England ipinanganak ni Janella si Baby Jude.

September 2020 nang lumipad si Janella patungong England, kunsaan nakabase ang British father ni Markus na si George Trevor Paterson.

Continue reading below ↓

Hanggang sa kasalukuyan ay nasa England pa rin sina Janella at Markus, kasama ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio.

Bakit New Year nila isinapubliko ang tungkol kay Baby Jude?

Sagot ni Janella, "Actually, we've been planning it for a long time. Kailan ba natin ilalabas? Kailan ba tayo magiging ready?

"We were supposed to announce him last Christmas. Pero we realized parang mas okay na New Year. Parang it's a new life, new beginning.

"We were ready to show him to the world."

Wala naman daw balak si Janella na itago ang anak.

Aniya: "All we wanted was to cherish the first few moments with him.

"And then, finally, we were ready.

"Eventually, ipapakilala naman namin talaga. hindi naman namin itatago siya forever."

Dalawang taon nang magkasintahan sina Janella at Markus.

Pareho silang talent ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Pareho silang 22 years old.

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador says she and boyfriend Markus Paterson first learned about her pregnancy during their trip to Boracay in February 2020: "I took the test there... 'Tapos nung nalaman ko, lumabas ako ng bathroom. Sabi ko, 'It's positive.'"
PHOTO/S: Janella Salvador Instagram / M & J YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results