Jenine Desiderio proudly posts photo with grandson

by Bernie V. Franco
Jan 8, 2021
Nothing to hide. Seasoned singer-actress Jenine Desiderio proudly posts her photo with grandson Jude on her social media accounts. Jenine's daughter, Janella Salvador (not in photo), revealed last January 5, 2021, that she is now a mom.
PHOTO/S: @j9desire on Instagram / Facebook

Malaya nang nakakapag-post dahil wala nang itinatago.

Ito ang ginawa ni Jenine Desiderio matapos aminin ng kanyang anak na si Janella Salvador ang tungkol sa anak nila ni Markus Paterson.

Ipinaalam nina Janella, 22, at Markus, 22, sa publiko ang tungkol sa kanilang two-month-old baby nito lamang January 5.

Ngayong Biyernes, January 8, proud na ipinost ni Jenine, 50, ang kanyang larawan karga-karga ang apong si Jude.

“My new job: Yaya [heart emoji]” simpleng caption ng veteran singer-actress.

Continue reading below ↓

Kasalukuyang nasa United Kingdom si Jenine, kasama sina Janella at Markus.

Pero kung tutuusin, hindi ito ang unang picture na ipinost ni Jenine na kasama ang kanyang apo.

Ilang araw bago mag-Pasko, nag-post ng series of photos si Jenine sa Instagram.

Kuha ang mga larawan sa Whitehall Garden Centre, isang pasyalan sa Bristol, U.K.

Magkakasama noon sina Jenine, Janella, Markus, ang 10-anyos na anak ni Jenine na si Russel, at isang non-showbiz friend.

Sa tatlong series of photos, sa likod ni Russel ay nahagip sa camera ang isang stroller at tila may sanggol na nakasakay rito.

May mga netizens na nakapansin nito. Mabilis na binura ni Jenine ang post na ito.

Muling ipinost ng aktres ang series of photos, pero wala na rito ang kuhang hagip ang stroller na may sakay na sanggol.

Na-screenshot ang tinanggal na photo at lumabas sa isang gossip website.

JENINE'S TRIP TO U.K. IN SEPTEMBER

Kinumpirma nina Janella at Markus ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng social media posts noong September 12, 2020.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, may mga usap-usapang buntis na si Janella.

Mas lalong umingay ang espekulasyong buntis nga si Janella nang tumulak papuntang U.K. si Jenine at anak na si Russel noong September 10, 2020.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya.

Hindi na nakaligtas si Jenine sa pang-uusisa ng netizens sa tanong kung ano ang pakay niya sa pagpunta sa U.K.

Ilang netizens ang nagbunyag na pumunta siya roon para samahan si Janella sa pagbubuntis nito.

Pero walang sinagot si Jenine sa mga komento.

Pagkalipas ng isang linggo, isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nagkumpirmang buntis nga si Janella at manganganak ito ng October 2020.

Sa panayam niya sa TV Patrol noong January 5, nagpaliwanag si Janella kung bakit itinago nila ang kanyang pagbubuntis at panganganak.

Pahayag niya, "I wanted to hide it because I wanted to cherish the moment in my life na first time ko maging mom. Iyong wala munang ingay, may sarili muna akong moment to enjoy.

Continue reading below ↓

"And it was really hard because of course I was getting comments din na, 'Kinahihiya mo ba? Hindi ka ba proud?' ganyan.

"I don't think any mom would want to hide her baby. "

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nothing to hide. Seasoned singer-actress Jenine Desiderio proudly posts her photo with grandson Jude on her social media accounts. Jenine's daughter, Janella Salvador (not in photo), revealed last January 5, 2021, that she is now a mom.
PHOTO/S: @j9desire on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results