PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jorrybell Agoto in critical condition; family seeks help

Jorrybell Agoto’s brother appeals to Marcoses for actress’ medical expenses.
by Jerry Olea
Published 13 hours ago
jorrybell agoto lymphoma
Filipiñana actress Jorrybell Agoto has been intubated as doctors monitor her condition amid complications from lymphoma, according to her brother, Jed. The family is seeking financial assistance for her ongoing treatment.
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

Dumalo si Jorrybell Agoto nang i-announce ng Film Academy of the Philippines (FAP) noong Setyembre 13, 2026 sa SM Convention Center-Manila, MoA Complex, Pasay City, na ang pelikula niyang Filipiñana ang panlaban ng Pilipinas sa kategoryang best international feature ng 99th Academy Awards o Oscars.

Nanggaling pala noon si Jorrybell sa ospital, at kinabukasan ay balik-ospital siya.

Setyembre 23 napabalitang may kanser si Jorrybell, at nasa Critical Care Unit ng St. Luke’s hospital.

Isa si Jorrybell sa Annual Achievement Awardees sa closing ceremony ng Philippine Film Industry Month (PFIM) noong Setyembre 30 sa Seda Vertis North, Quezon City.

Nagpasabi ang kanyang ina at kapatid na hindi makakadalo si Jorrybell.

Nag-beg off si Jorrybell sa 31st Busan International Film Festival na nag-umpisa noong Oktubre 6 sa South Korea.

Ang rumampa roon para sa Filipiñana ay ang co-star at kaibigang si Nour Hooshmand, na bida naman sa pelikulang Ria na kalahok din sa Busan filmfest at nagkamit afterwards ng Heart of Eurasia award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat sana’y rarampa si Jorrybell sa opening ng 39th Tokyo International Film Festival sa Oktubre 26, Lunes, para sa Filipiñana.

Malabo iyon.

Noong Oktubre 19, Lunes, sa Basta Café ay nagkaroon ng pay-what-you-can screening ng ilang short films ni Jorrybell.

May Q&A with Lauviah Caluboso and Sonny Calvento.

Lahat ng nalikom doon ay para sa medical treatment ng aktres. May iba pang mga tumutulong, pero hindi sapat sa laki ng gastos.

Read: Actress Jorrybell Agoto battles cancer, needs financial help

FINANCIAL HELP FOR JORRYBELL AGOTO

Ngayong Oktubre 23, Biyernes, nag-post sa Facebook ang kapatid ni Jorrybell na si Jed at humihingi ng tulong.

Bahagi ng mensahe ni Jed: “Hindi ko talaga ugaling mag-post ng ganito sa social media, pero dahil kailangang-kailangan na talaga namin ng tulong ngayon.

“Kumakatok po ako sa puso ninyong lahat, at nagbabakasakali rin na makarating ang post na ito sa mga kababayan at leaders namin sa Sarrat, Ilocos Norte kina President Bongbong Marcos, Sen. Imee Marcos, at Cong. Sandro Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sir PBBM, Ma'am Imee, at Cong. Sandro, kapwa anak po ng Sarrat ang kapatid ko. Sobrang proud kami sa kanya kasi siya yung bida sa Filipiñana, yung official entry ng Pilipinas para sa Oscars next year.

“Dinala niya yung pangalan ng bansa at ng bayan natin sa world stage, pero ngayon, siya naman yung lumalaban para sa sarili niyang buhay.

“Nasa Critical Care Unit ng St. Luke's Medical Center si ate ngayon dahil sa Lymphoma (cancer). Sobrang bigat ng past few days para sa amin kasi binalik siya sa CCU for closer monitoring:

“Sobrang bumagsak yung blood pressure niya tapos pumapalo ng 170 yung heart rate niya. Sobrang sakit sa puso bilang kapatid na marinig siyang sumisigaw na lang dahil sa tindi ng pain na nararamdaman niya.

“Nakitaan din ng tubig yung left at right lungs niya, kaya inoperahan siya para lagyan ng bilateral Blake drain sa parehong baga para lang mailabas yung tubig at makahinga siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May nakita ring tatlong tumor sa left lung niya.

“Dahil sobrang sensitive na ng katawan niya sa pain dahil sa cancer, nag-decide na yung doctors na i-intubate siya para kahit papaano makapagpahinga yung katawan niya.

“Bilang kapatid, ang hirap-hirap panoorin na ganito yung sitwasyon niya. Siya ang breadwinner namin at senior citizen na rin ang magulang namin. Nahihirapan na po kami sa araw-araw na running bill sa CCU, procedures, at mga gamot.

“Kaya nakikiusap po talaga ako kina PBBM, Sen. Imee, at Cong. Sandro, at sa lahat ng makakabasa nito. Sana mapansin niyo po kami. Gusto pa naming bigyan si ate ng chance na lumaban at gumaling.

“Sa mga gustong mag-abot ng tulong, kahit magkano po ay sobrang laking bagay na para sa medical bills niya. Pwede po kayong mag-send dito:

GoTyme Bank

Account Name: Jorrybell Agoto Account Number: 0168 5441 5972

GCash Account

Name: Jorrybell Agoto Account Number: 09458567894

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung wala man po kayong extra ngayon, sobrang laking tulong na kung mapa-SHARE niyo ang post na ito at mapa-TAG sa comment section yung pages nina President Bongbong Marcos, Sen. Imee Marcos, at Cong. Sandro Marcos para makarating sa kanila. Please include ate in your prayers din po.

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Si Lord na po ang bahalang magbalik ng kabutihan niyo. Laban lang tayo, ate!”

Read: FAP denies using Jorrybell Agoto’s cancer for Oscar campaign

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipiñana actress Jorrybell Agoto has been intubated as doctors monitor her condition amid complications from lymphoma, according to her brother, Jed. The family is seeking financial assistance for her ongoing treatment.
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results