Kate Jagdon confirms breakup with Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez

by Bernie V. Franco
5 days ago
Bea Luigi Gomez Kate Jagdon breakup
Cebu-based performance disc jockey Kate Jagdon (left) confirms that she and Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez have broken up. Their relationship lasted for six years.
PHOTO/S: @kate_jagdon on Instagram / MIss Universe Philippines

Hiwalay na sina Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at Kate Jagdon, isang Cebu-based performance disc jockey.

Tinapos na ni Kate ang usap-usapan tungkol sa napapabalitang breakup nila ni Bea nitong mga nakaraang linggo.

Sa pamamagitan ng Instagram Story ngayong Martes, November 23, 2021, kinumpirma ni Kate na hiwalay na sila ni Bea.

Tumagal ng higit anim na taon ang kanilang relasyon.

“Bea and I have parted ways,” bahagi ng pahayag ng DJ.

Pero hindi binanggit ni Kate kung ano ang naging mitsa ng kanilang breakup.

Base sa pahayag ni Kate, lumalabas na ilang linggo na silang hiwalay ni Bea pero pinili niyang manahimik muna.

Sabi niya, “These past few weeks have been the most difficult time of my personal life.

“It was a conscious decision to keep quiet, after all this is a personal matter and I chose my privacy above everything else.”

Minarapat daw ni Kate na maglabas ng pahayag para hindi na kumalat ang anumang maling balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Bea.

Continue reading below ↓

“I don’t want to say anything more that fits anyone’s situation.

“This statement will be short before rumours and falsifications get out of hand.

“I am simply taking this step to move forward and go on with my life. Nothing more.”

Hinahangad daw ni Kate ang lahat ng maganda para kay Bea.

Aniya, “We all go forward with love and respect and I wish Bea the best of luck in her journey.”

Tutulak si Bea sa Eilat, Israel para sa nalalapit na Miss Universe 2021 pageant na gaganapin sa December 13, 2021 (Philippine time).

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, pinasalamatan ni Kate ang kanyang mga mahal sa buhay para malampasan ang pagsubok na ito.

Humihingi rin siya ng privacy at nais na rin daw niyang mag-move on.

“I can thank my family and friends enough for holding my hand during this difficult time and I know you will continue to do so as I take the road to healing,” ani Kate.

Continue reading below ↓

“At this moment, please respect my privacy and this will be the last time I will address the issue. Thank you.”

Bea Luigi Gomez Kate Jagdon breakup

Samantala, binura na ni Kate sa kanyang Instagram account ang mga picture nila ni Bea.

Burado na rin sa Instagram account ni Bea ang mga larawan nila ni Kate.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cebu-based performance disc jockey Kate Jagdon (left) confirms that she and Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez have broken up. Their relationship lasted for six years.
PHOTO/S: @kate_jagdon on Instagram / MIss Universe Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results