Labing-isang taon nang magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na nagsimula sa love team at nauwi sa totohanang relasyon.
Marami sa fans nila ang umaasang malapit na silang mauwi sa kasalan.
Sabi ni Kathryn: "Matagal pa. Kasi ngayon, nandito kami sa peak namin ni Deej na kailangan naming magtrabaho, especially may bahay na pinagawa, ang daming gastos.
"Alam din namin sa sarili namin na di pa. Hindi pa time, and open kami about it.
"Iba-iba naman ang time ng lahat. So ngayon, attend lang kami ng mga kasal, mga ganun. Kunin na lang muna kaming bridesmaid, okay lang sa akin."
Pero napag-uusapan na ba nila ang pag-settle down?
"Yes, of course," sagot ni Kathryn.
"But then he respects my timing din sa akin. Alam ko rin na di pa ako ready.
"Ayokong pilitin yung mga ganun. Ang importante masaya kayo ngayon, just take it everyday."
ON working separately from daniel
Dark comedy ang genre ng A Very Good Girl na pinagbibidahan ni Kathryn at Dolly De Leon.
Hindi uli kasama ni Kathryn ang reel-and-real-life sweetheart na si Daniel Padilla sa pelikula.
Tinanong namin si Kathryn kung wala ba siyang kabang nararamdaman sa maaring pagtanggap dito ng mga KathNiel fans.
"No, di ko yan iniisip kasi siyempre iba na yung sitwasyon namin ngayon," sagot ni Kathryn.
Pagdating sa suporta ng KathNiel fans, sabi ng dalaga: "Yung experience na nakita ko yung reaction nila, yun malaking bagay na sa akin.
"Alam natin kung gaano kahirap, even the Hollywood movies, kung gaano kahirap mag-maintan ng movies ngayon.
"Basta as long as na lalabas sila sa sinehan at pag-uusapan yung movie, idi-discuss ang mga opinions nila, yun masaya na ako. More than that, di ko na iniisip."
Idiniin ni Kathryn na hindi isyu sa kanila ni Daniel kung magkaroon man sila ng solo projects.
"Saka naging mutual yung decision na yun sa amin. And yung [separate] project ni Deej, dapat nilang abangan kasi sobrang ganda rin yung material na yun.
"Di naman importante na magkasama kami on-cam, di ba?
"Sobrang supportive lang siya dito sa akin and happy lang siya kasi sobrang happy ako every time na magsyu-shoot for this movie."
Read: David Licauco hopes to work with Kathryn Bernardo, Daniel Padilla
KATHRYN TO ATTEND AWARDS NIGHT IN SOUTH KOREA
Nanalo si Kathryn bilang Outstanding Asian Award sa Seoul International Drama Awards 2023 para sa seryeng To Good To Be True ng ABS-CBN.
Dadalo si Kathryn sa awards night na magaganap sa September 21.
"Lilipad before ng premiere. Buti nga naayos ang premiere, nagbigay talaga kami ng time dun kasi siyempre ni-recognize ang ABS, sila Direk Mae Cruz and everybody just to receive the award
"Sana, sana mag-level up naman ang acting ko.
"Pero nakakatuwa lang na sana mag-open ito ng doors di lang sa akin kundi sa iba ring projects na ginagawa pa ngayon ng ABS."
Read: Kathryn Bernardo, Dolly de Leon reveal their deal before shooting "A Very Good Girl"
