PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kaye Abad clarifies viral "grocery with several bodyguards" video

Kaye Abad to netizens about her viral video: "Mga chismosa kayo ng taon.”
by Arniel C. Serato
Published Sep 11, 2023
Kaye Abad finally addresses viral grocery shopping with several bodyguards
Kaye Abad explains several security personnel escorting her while doing the grocery at a local supermarket in Cebu: "Yung nag-viral, hindi po sa akin yung bodyguards na yun, sa supermarket po."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / TikTok

Nag-viral nitong nakaraang linggo ang video ni Kaye Abad habang naggu-grocery sa isang supermarket sa Cebu.

Sa Cebu na nakabase ang aktres matapos silang magpakasal ng asawang si Paul Jake Castillo.

Sa TikTok noong Huwebes, September 7, 2023, isang user ang nag-upload ng dalawang videos ni Kaye na namimili sa isang grocery store.

Makikitang kasama ni Kaye ang kanyang dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Iñigo.

@nemgarcia2020 Day with @Kaye Abad-Castillo ? Let's Go - M.Hustler

Kasama rin nila ang dalawang yaya ng mga bata.

Ang mas napansin ng netizens ay ang anim na bodyguards na nakasuot ng white polo na nakapaligid sa kanila.

@nemgarcia2020 Shopping with @Kaye Abad-Castillo ? original sound - NEMGARCIA2020

Pinag-usapan tuloy ng netizens ang pagiging security-conscious umano ni Kaye.

KAYE CLARIFIES VIRAL VIDEO

Sa isang Instagram Story, pinabulaanan ni Kaye na mayroon siyang sangkatutak na bodyguards.

Aniya, “I’m always alone when I do my groceries. Or sometimes kasama ko ang kids. Pero walang ‘bodyguards.’"

Dagdag pa niya, “Mga chismosa kayo ng taon.”

Kaye Abad reacts to viral bodyguards video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang post sa TikTok, biniro pa si Kaye ng asawa niyang si Paul Jake tungkol sa kanyang "mga bodyguard."

Makikita kasi si Kaye sa isang handaan na kumukuha ng pagkain sa catering table at tila nakaantabay naman ang mga lalaking naka-green long sleeves.

Biro pa ni Jake, “Mga bodyguard mo?”

Sagot niya, “Waiter na.” “(Waiter yan.)”

@pauljakecastillo Kaye Abad-Castillo Bodyguard?? ???? @Kaye Abad-Castillo #kayeabad #kayeabadbodyguard #bodyguard #kayeabadcastillo ? Funny Song - Funny Song Studio & Sounds Reel

Sa panayam niya sa Radyo 630 kahapon, September 10, 2023, sinabi ni Kaye na ikinaloka niya ang nag-viral na video.

Paglilinaw niya, nakipag-collab siya sa isang local grocery store. At ang nasabing bodyguards ay ipinadala ng management upang eskortan si Kaye habang namimili.

Saad ng aktres, “Nakakaloka! Actually, in-explain ko na yan sa… I did not know that it was going viral, until my friends sent me photos.

"I explained it on my social media na I did a collaboration with this supermarket. And then, so nagpadala sila ng bodyguard.

"The bodyguards work for the supermarket and then I told them na, ‘Hindi ko na kailangan ng bodyguards kasi yung mga Cebuano, sanay naman na sa 'kin na nag-iikot-ikot lang ako sa mall mag-isa.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“But then sabi nila, 'Sige lang, Ma'am,' kasi inutos daw sa kanila. So, sabi ko, 'A, okay.'

“So yun, yung nag-viral, hindi po sa akin yung bodyguards na yun, sa supermarket po."

Giit pa ni Kaye, “Sabi ko nga, wala nga ako driver, bodyguards pa?”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaye Abad explains several security personnel escorting her while doing the grocery at a local supermarket in Cebu: "Yung nag-viral, hindi po sa akin yung bodyguards na yun, sa supermarket po."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results