KC Concepcion writes emotional birthday message for “handsomest” father Gabby

by Arniel C. Serato
Nov 5, 2020
KC Concepcion to dad Gabby Concepcion on his 56th birthday: "You’ve always believed in me, thank you for always holding my hand through things when I need to learn something new.”
PHOTO/S: Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram

“Handsomest” kung ituring ni KC Concepcion, 35, ang kanyang amang si Gabby Concepcion.

Ngayong araw, November 5, ang ika-56 kaarawan ng dating matinee idol.

Si KC ay anak ni Gabby sa dating asawa nitong si Sharon Cuneta. Naghiwalay ang dalawa noong taong 1987 matapos ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagbigay-pugay si KC sa kanyang ama.

Mensahe niya, “Happy happy birthday to my father full of heart and passion, who watches out for me and keeps me alert and active like a big brother would.

“You’ve always believed in me, thank you for always holding my hand through things when I need to learn something new.”

Ayon pa kay KC, kahit akala ng iba ay parang sobra na ang kanyang pagiging independent, kailangan pa rin daw niya ng taong gagabay sa kanya.

At ito ay ang kanyang ama.

Ani KC, “Sometimes people overestimate my independence but I’ll always need a man like you by my side who can teach me things no one else would. I’m so glad we get this time to stay close, even if you tease me about liking fancy things...”

Continue reading below ↓

Ang ama rin daw ang palaging nagpapaalala sa kanya upang hindi makalimot at panatilihing nakaapak ang mga paa sa lupa.

Pagtatapos niya, “You always keep me down to earth, taking me outdoors—barefoot whenever possible—just enjoying the simplest joys in life!!!

"I love you, to the handsomest of them all! Papa happy birthday!!! @concepciongabby

Kalakip ng mensahe ni KC ay ang baby photo niya kasama ang kanyang ama.

Continue reading below ↓

“THANK YOU FOR THE LOBSTER AND DINNER TREAT”

May birthday post din si Gabby sa kanyang Instagram ngayong araw.

Mensahe ng aktor sa mga bumabati sa kanya, “Thank you to all my well wishers on my memorable Nov. 5 birthday (to those who have the same birthday, Happy Birthday to you too)

“This cake is for all of us!”

Continue reading below ↓

Nagkomento rin dito si KC.

Mensahe niya sa ama, “Yaaaaaay! ILY, Papa. Happy birthday”

Nagpasalamat naman si Gabby sa “lobster and dinner treat" ng anak para sa kanya.

Sabi nito kay KC, “Thankyou for the Lobster and dinner treat my baby.”

Tugon ni KC, “My absolute pleasure Papa!!!!!!! It’s the least I could do to celebrate YOU!”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion to dad Gabby Concepcion on his 56th birthday: "You’ve always believed in me, thank you for always holding my hand through things when I need to learn something new.”
PHOTO/S: Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results