Sa kabila ng banta ng novel coronavirus (2019-nCov) sa bansa, itinuloy ni LA Santos ang launching ng kanyang bagong record label na K7 Sounds nitong Pebrero 1, Sabado, sa The Pop Up, Katipunan, Quezon City.
“Lagi ngang sinasabi, the show must go on. Heto, may face mask ako, keep safe tayo, guys,” lahad ni LA nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“Kahit na sabihin ninyo na malayo sa virus ang lugar ninyo, dapat keep safe pa rin tayo. Kasi, you'll never know what will happen."
Ikinalulungkot naman ni LA ang pag-iwas at paninisi ng marami nating mga kababayan sa mga Chinese na pinagmulan ng novel coronavirus.
“Yeah, marami akong Chinese na friends, 'tapos yung mom ko, marami ding clients na Chinese.
“Nalulungkot ako, totoo naman, hindi naman nila kasalanan.
"Nasisisi sila dahil sa race nila.
"Nalungkot ako, tingin nila, kasalanan ng Chinese people.
"I hope it will all get better for them."
Sa ngayon ay nasa Hong Kong pa ang ina niyang businesswoman na si Flor Santos.
“Miss na-miss ko na siya. Na-stuck yung mom ko sa China, she has work there.
"More than one month na siyang nandoon, wrong timing ng virus.
“Sa Hong Kong na siya nag-i-stay, medyo lumayo na siya sa China."
INSPIRED BY JAMES REID, FRANCIS M
As expected, may mga nag-iisip na ginaya ni LA si James Reid, na naunang nagtayo ng sarili niyang record label, ang K7 Sounds.
“Yung label ni James Reid na Careless, parang inspiration ko lang,” paglilinaw ni LA.
“Hindi ko naman siya ginagaya, it's an inspiration.
"Kasi, si James Reid yung nagsabi na, ‘Kaya natin ito, kayang-kaya natin.’
“Kahit sino, kaya. Yun, enjoy lang. Kasi, yung music is all for the love lang talaga."
Bakit 7K Sounds ang napili niyang pangalan para sa kanyang record label?
Tugon ni LA, “Ilan ang islands sa Philippines? Seven thousand, kaya 7K Sounds.
“Gusto kong mangyari sa label ko, mas ma-promote na music is for everyone talaga.
“Ang mga tao, iba-iba ang gusto. Ang gusto kong mangyari, i-mix ang lahat.
"Kapag sinabing music, iisa lang talaga."
Inspirasyon din ni LA ang namayapang Master Rapper na si Francis Magalona sa pagmamahal nito sa OPM.
“To be honest, ang pinaka-inspiration ko ay si Francis M talaga.
"Pinag-aralan ko kasi ang buhay ni Francis M, gusto niya talaga na magkaroon ng sariling tunog yung Pilipinas.
“Ganoon din ang gusto ko, magkaroon ng sariling tatak ang OPM.
"Pag sinabing K-pop, Korean. Gusto ko, pag sinabi na Pinas, OPM."
Pagmamalaki ng young singer, ang tipo ng kanta niya ngayon ay kumbinasyon ng alternative at mainstream music.
“Yeah, you expect way better music than before.
"Lahat ng mga kanta ko ngayon, ako ang nagsulat.
"Tumulong na rin ako sa pag-produce ng mga kanta.
“Sobrang naghanda ako for this year, I've probably prepared more than ten songs.
“Actually, pinaghalo ko talaga ang tunog ng underground saka tunog ng mainstream. Gusto kong maging ganoon ang tatak ko.
“Nasa gitna ako, gitna ng mainstream, gitna ng underground. Tunog underground pero yung mga words, pasok na pasok pa rin."
ALTERNATIVE SONGS
Karamihan sa alternative songs ay matapang ang tema at madalas ay may halong pagmumura. Bagay na ayon kay LA ay iiwasan niya.
“Natutunan ko yun actually kay Mr. Martin Nievera, e.
"Siya ang nagsabi sa akin na kahit gaano kaganda, kabangis ng kanta mo, huwag na huwag kang magmumura.
“Tinamaan ako doon, totoo naman, e. Hindi naman kailangang magmura sa kanta, e.
“Di naman ako against sa nagmumura sa kanta, kasi may times na bumagay, e.
"Kaya ako, just go with the flow."
Tumuntong sa kanyang ika-20 taon na kaarawan noong January 27, simple lang kung paano sinelebra ni LA ang kaarawan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
“Actually, yung birthday ko noong January 27, sinelebrate ko siya, nag-samgyeopsal lang ako kasama ang family ko.
“Ganoon naman talaga ang mga gusto kong birthday, simple lang with family.
"Pero iyung mga pasabog ko, gusto ko, inilalabas ko pag sa concerts ko."
