PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lea, Regine tell Nesthy Petecio no need to say sorry

Nesthy: "Pasensya na po kayo, silver lang nakayanan ko."
by Rachelle Siazon
Published Aug 3, 2021
Ilan lamang sina Lea Salonga (kaliwa) at Regine Velasquez (gitna) sa nagpaabot ng mensahe kay Nesthy Petecio (kanan) matapos niyang humingi ng pasensiya sa kanyang Olympic silver medal finish. Sabi ni Lea kay Nesthy, "Napakataas ng iyong nakamit. Mabuhay ka!"
PHOTO/S: @msleasalonga / @reginevalcasid / @neshpetecio Instagram

Iginiit nina Lea Salonga, Regine Velasquez, at Karylle na walang dapat ihingi ng sorry si Nesthy Petecio dahil panalo pa rin siya sa puso ng mga Pilipino.

Bakas pa rin kasi ang panghihinayang ni Nesthy sa kanyang pagkabigong masungkit ang gold medal sa women's fetherweight category sa #Tokyo2020 Olympics.

Silver medal ang inuwi ni Nesthy matapos ang unanimous decision ng mga hurado na tanghaling kampeon si Sena Irie ng Japan ngayong Martes, Agosto 3.

Sa pamamagitan ng Twitter, nagbigay ng mensahe si Nesthy sa mga kapwa Pilipino na sumubaybay sa kanyang laban.

Tweet niya: "Pasensya na po kayo, silver lang nakayanan ko.

"Ginawa ko po lahat kanina sa taas ng ring. Salamat po ng marami sa dasal at supporta niyo.

"Higit sa lahat sa diyos! At safe kami pareho ng kalaban ko."

Siniguro naman ni Nesthy na tuloy ang laban niya para magkamit ng gintong medalya sa Paris Olympics sa 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Nesthy, "Babalik po tayo Mas Malakas."

Nag-reply ang Broadway superstar na si Lea sa tweet ni Nesthy.

Sabi ni Lea, "Hindi dapat humingi pa ng paumanhin sa pagkapanalo ng medalyang pilak. Napakataas ng iyong nakamit. Mabuhay ka!"

Lea Salonga quotes a tweet by Nesthy Petecio apologizing for just winning silver in Tokyo 2020

Sabay inamin ni Lea na tumingin siya sa Google translation para purong Filipino ang mensahe niya. Aniya, "Side note: the Google translation is a little awkward, but accurate enough."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon din sa Asia's Songbird na si Regine, walang dapat ipagpaumanhin si Nesthy dahil napakalaki ng karangalang ibinigay nito sa bansa.

Aniya, "Walang dapat ihingi ng paumanhin, binigyan mo ng napakalaking karangalan ang bansa natin. Mabuhay ka Nesthy!"

Regine Alcasid tweets to Nesthy Peticio

Pati ang It's Showtime host na si Karylle ay may mensahe para kay Nesthy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We are so inspired by you! Salamat Nesthy. Please wag ka humingi ng pasensya Grinning face Salamat salamat Salamat at congratulations!" saad ni Karylle.

Karylle also replied to Nesthy's tweet

Pati ang Kapamilya host na si Luis Manzano ay sinabing malupit ang galing na ipinakita ni Nesthy at ibang Pinoy athletes sa Olympics.

Luis Manzano also replied to Nesthy's tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang humanga kay Nesthy dahil sa ipinakita niyang lakas sa featherweight boxing final face-off nila ni Sena.

Punch-and-grab ang estilong ginamit ng Japanese boxer para maiuwi ang gold medal.

Umalma pa ang ibang Pinoy fans dahil idinaan daw sa takbo at yakap ni Sena ang laban nila ni Nesthy.

Pero nanatili namang good sport si Nesthy at niyakap si Sena, kahit pa naging emosyonal nang parangalan siya sa stage ng Olympic silver medal.

Si Nesthy ang unang female boxer na nagkamit ng Olympic medal para sa Pilipinas. Si Onyok Velasco ang huling boksingero na nag-uwi ng Olympic silver medal sa bansa noong 1996 Olympics.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilan lamang sina Lea Salonga (kaliwa) at Regine Velasquez (gitna) sa nagpaabot ng mensahe kay Nesthy Petecio (kanan) matapos niyang humingi ng pasensiya sa kanyang Olympic silver medal finish. Sabi ni Lea kay Nesthy, "Napakataas ng iyong nakamit. Mabuhay ka!"
PHOTO/S: @msleasalonga / @reginevalcasid / @neshpetecio Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results