PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lyka Estrella wins Tawag ng Tanghalan Year 6

Lyka Estrella is the grand winner of Tawag ng Tanghalan Year 6!
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 6, 2023
Lyka Estrella wins Tawag ng Tanghalan Year 6
Lyka Estrella pours out her tears as she was announced the grand winner of It's Showtime's Tawag Ng Tanghalan Year 6 on Saturday, May 6, 2023.
PHOTO/S: It's Showtime

Si Lyka Estrella ng General Santos City ang itinanghal na grand champion sa Huling Tapatan ng "Tawag ng Tanghalan" (TNT) Year 6 nitong Sabado, May 6, 2023.

Nabigla at hindi napigilang maluha ni Lyka nang ianunsyo ng host na si Vice Ganda na siya ang winner ng TNT Year 6 ng sikat na singing competition ng It’s Showtime.

Lyka Estrella wins Tawag ng Tanghalan Year 6

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinalo niya ang dalawang kapwa TNT contenders sa top 3 na sina Nowi Alpuerto ng San Rafael, Bulacan at Jezza Quiogue ng Tanza, Cavite.

Bago masungkit ang titulo bilang grand champion, dumaan muna sa tatlong yugto ng kompetisyon si Lyka.

Unang round ang solo performance, sinundan ito ng pasiklab na collab kung saan nakasama niya ang isa sa mga hurado, at ang pangatlo at final round na medley performance.

Sa solo performance ay inawit ni Lyka ang bersyon ng "Ngayon at Kailanman" ni Jona, "Dream" ng Aerosmith sa pangalawang round, at sa medley naman ay ang mga hit songs ni Jessy J na "Domino," "Mamma Knows Best," at "Nobody's Perfect."

Lyka Estrella wins Tawag ng Tanghalan Year 6

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kabuuan ay nakuha ni Lyka ang pinakamataas na puntos o grado mula sa mga hurado na 98.9 percent.

Kasama rin sa mga premyong napanalunan niya ang isang milyong piso (P1,000,000), house and lot na nagkakahalaga ng P2.5 million, talent management contract sa Polaris ng Star Magic, recording contract sa ABS-CBN Music at trophy na nilikha ng visual artist na si Toym Imao.

Second runner-up naman si Nowi na nakakuha ng gradong 95.1 percent at nanalo ng P200,000 cash prize, samantalang 3rd runner-up si Jezza na may 89.6 percent at nag-uwi ng premyo na P100,000.

Lyka Estrella wins Tawag ng Tanghalan Year 6

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahigit tatlong oras din ang itinagal ng "Tawag ng Tanghalan" Huling Tapatan na tinutukan ng mga manonood na siyang dahilan kung bakit nasa trending topic list sa Philippine Twitter ang #TNT6HulingTapatan at ang pangalan ni Lyka.

Lyka Estrella wins Tawag ng Tanghalan Year 6

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lyka Estrella pours out her tears as she was announced the grand winner of It's Showtime's Tawag Ng Tanghalan Year 6 on Saturday, May 6, 2023.
PHOTO/S: It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results