Netizens reprimand Raymond Gutierrez for alleged crowded birthday party

Jan 25, 2021
Netizens are criticizing Raymond Gutierrez after photos of his alleged birthday party at a restaurant in BGC circulated on social media last weekend. Right photo shows the supposed crowded party of Raymond.
PHOTO/S: @mond on Instagram / Twitter

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagsasara ng isang restaurant sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.

Ang dahilan: nagkaroon umano ng paglabag sa community quarantine protocols nang idaos doon ang birthday party ng host-influencer na si Raymond Gutierrez.

Ipinagdiwang ni Raymond, kambal ng aktor na si Richard Gutierrez, ang kanyang 37th birthday noong January 21, 2021.

Sa Twitter, ibinahagi ng netizens ang ilang larawan ni Raymond na may hawak na birthday cake na may kandila.

Napapalibutan siya ng mga bisita at kinukunan ng picture.

Makikitang dikit-dikit ang mga kumukuha ng larawan at walang social distancing.

Ginanap umano ang kasiyahan sa La Picara Restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig.

Caption sa larawan: “HAPPY BIRTHDAY, @mond!

“Note: everyone was PCR Tested!”

Ang RTC-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) ay ang ikinukonsiderang “gold standard” para sa pagtukoy kung positive o negative sa COVID-19 ang isang pasyente.

Tila in-upload ang larawan ni Raymond sa Instagram Story. Hindi naka-indicate kung sino ang nag-upload ng larawan at kung kailan nangyari ang selebrasyon.

Continue reading below ↓

Pero mabilis itong na-screenshot ng netizens at kumalat sa social media, partikular sa Twitter.

May iba pang lumabas na larawan kung saan makikita si Raymond na may photo-op sa iba pang attendees ng party.

May petsa itong January 23, 2021.

raymon gutierrez photo-op with attendees

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim pa rin ng general community quarantine ang Metro Manila na magtatagal hanggang nitong katapusan ng Enero.

Continue reading below ↓

Sa ilalim ng GCQ, pinapayagan ng Department of Trade and Industry ang pagbubukas ng establishments, kabilang ang 24/7 operation ng restaurants.

Gayunpaman, mahigpit pa ring pinapaalalahanan sa mga may-ari ng establisimyento ang pag-o-observe ng safety protocols, gaya ng social distancing at pagbabawal ng mass gathering.

NETIZENS CRITICIZE RAYMOND gutierrez

Bunsod ng mga kumalat na larawan, nagsunud-sunod ang batikos ng netizens kay Raymond.

Tinawag nilang "iresponsable" ang host-influencer sa pagkakaroon ng party at hindi umano pagtupad sa safety protocols.

Hindi rin daw katwiran na sumailalim ang guests sa RT-PCR tests dahil lumabag pa rin ang mga ito sa quarantine rules, gaya ng social distancing at pagtitipon-tipon sa public place.

Kumalat din sa social media ang larawan ng restaurant na may closure notice noong January 22, 2021.

Ang notice ay may logo ng City of Taguig.

closure notice on La Picara

Continue reading below ↓

Sinisi ng ilang netizens si Raymond dahil nawalan daw ng trabaho ang ilang tao dahil sa pagsasara ng restaurant.

Komento ng isa, “So Raymond Gutierrez, how does it feel to party when everyone else is trying their best not to spread the virus?

“Also how will you pay all the workers who probably doesn’t have jobs anymore just bec you all have partied?”

netizen criticizes raymond for partying amidst pandemic

Continue reading below ↓

Hirit naman ng isa pa, "On the scale of 1 to Raymond Gutierrez, how many workers did you put at risk of facing unemployment?"

Bakas naman ang pagkadismaya ng isa pang netizen na tila wala nang pandemya sa ginawang party umano ni Raymond.

Anito: “Idc [I don’t care] if you had swab tests done prior to the party, you weren’t social distancing, the venue was packed with people, and the attendees acted like the pandemic is over.

“Criiiiiiinge. People of privilege nga naman.”

netizen blames raymond for the possible unemplyment of the restaurant staff

Continue reading below ↓

netizen calls out raymond gutierrez as privileged

Narito ang iba pang batikos ng netizens:

netizen shows disappointment towards raymond

Continue reading below ↓

netizen calls raymon gutierrez irresponsible

netizen urges raymond to think about the people

Continue reading below ↓

taguig officials order closure of establishment

Samantala, naglabas ng official statement ang tanggapan nina Taguig Mayor Lino Cayetano at Taguig Representative Lani Cayetano, maybahay ni former Speaker of the House Alan Peter Cayetano, kaugnay ng insidente.

Sa official statement ni Mayor Lino na naka-post sa Facebook page ng I Love Taguig noong January 22, Biyernes, tiniyak ng alkalde na patuloy ang kanilang kampanya para maging ligtas ang siyudad nila pagdating sa negosyo.

Ayon sa statement, hindi nila kukunsintihin ang pagiging iresponsable ng mga establisimyento lalo't may banta pa rin ng COVID-19.

“We will not allow a few irresponsible establishments to compromise our efforts in making Taguig a model community for living in the new normal.

“We will strive to implement health and safety protocols so that businesses in Taguig can thrive.”

Hindi tinukoy sa statement kung anong establishment ang isinara.

Patuloy raw ang pakikipagtulungan nila sa business sector ng kanilang siyudad para mapanatili ang kaayusan sa kanilang siyudad sa gitna ng pandemya.

Continue reading below ↓

Kinatigan naman ni Congresswoman Lani ang desisyon ng city mayor “to close down an establishment for violating IATF rules.”

Sabi pa ng kongresista, “A ‘negative’ test result is NOT a ticket to socialize without precautions and disregard minimum health protocols.

“A test result detects the virus at one point in time. It only means that COVID-19 IS UNDETECTED AT THE TIME AND PLACE YOU WERE SWABBED.

Continue reading below ↓

“You may be infected hours or days after taking the test – in effect becoming carriers of the virus without you even knowing.”

Posible rin daw na infected na ng virus ang isang tao pero nasa incubation period pa ito.

“Which according to the World Health Organization, is from 5-6 days on the average but can be as long as 14 days.

“In that case, even the gold standard RT-PCR test will yield a negative result despite already being infected, and you can spread the virus even if you don’t have symptoms.”

Sa sumunod na pahayag ay may patutsada si Congresswoman Lani sa “influencers.”

“To influencers, the present situation calls for you to set the right example and do the right thing for everyone’s safety.

“People look up to you and admire you. This responsibility should not be taken lightly. Now is the time to use your platform, do good, and perform your civic duty to society.

Continue reading below ↓

“Everyone is welcome to enjoy what the City of Taguig has to offer. You are welcome to visit our city to dine, shop, do business, but please do so responsibly.”

Samantala, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kampo ni Raymond at sa kanya mismo upang kunan ng pahayag hinggil sa alegasyong ito.

Continue reading below ↓

Nagpadala rin kami ng mensahe sa La Picara Restaurant para sa kanilang panig.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa mga tao at establisimyentong sangkot sa isyu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens are criticizing Raymond Gutierrez after photos of his alleged birthday party at a restaurant in BGC circulated on social media last weekend. Right photo shows the supposed crowded party of Raymond.
PHOTO/S: @mond on Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results