Spotted na muling magkasama ang basketbolistang si Ricci Rivero at ang rumored girlfriend nitong si Los Baños, Laguna councilor at Bb. Pilipinas Globe 2019 titleholder na si Leren Mae Bautista.
Namataan ang dalawa sa basketbal game ng UP versus La Salle sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) game na ginanap sa Mall of Asia (MOA) Arena kahapon, October 18, 2023.
Sa Instagram ng ama ni Ricci na si Ruzcko Rivero, nagbahagi siya ng selfie nila ng anak kasama si Leren.
Tanging caption niya sa post ay isang heart at praying hands emojis.

Ni-repost naman ni Ricci ang post ng ama. Wala siyang inilagay na caption.

Si Leren naman ay ni-repost din ang Instagram Story ni Ruzcko. Wala rin siyang caption.

Ibig bang sabihin nito ay aprubado ng ama ni Ricci ang kung anumang namamagitan sa anak at kay Leren?
Hindi ito ang unang beses na spotted na magkasama sina Ricci at Leren.
Noong September 2023, spotted na magka-holding hands ang dalawa sa isang event sa Laguna.
Read: Ricci Rivero spotted holding hands with Leren Mae Bautista
Noong August 2023 naman, nakunan ng litrato ang dalawa na "palakad-lakad" sa UPLB Freedom Park sa Los Baños.
Namataan din silang naglalakad bandang UPCO doon pa rin sa Los Baños.
Bagamat naka-face mask ang lalaki sa picture, natukoy ng informant ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Ricci ito nang magtanggal daw ito ng face mask.
Nakilala rin si Leren dahil pamilyar ang mga tao sa kanya sa hometown niya.
Tila nag-jogging ang dalawa base sa kanilang matching black sporty outfits.
Read: Ricci Rivero, Leren Mae Bautista spotted together at park in Laguna
May isa pang okasyon na namataang magkasama ang dalawa sa isang variety store base sa kumalat na larawan nila sa Twitter.
Nagsimulang maugnay sina Ricci at Leren nang dumalo sila sa isang outreach program sa Los Baños noong May 26, 2023.
Si Ricci ay kahihiwalay sa girlfriend of one year na si Andrea Brillantes noong first week of May.
Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
Nadawit si Leren sa breakup ng couple, pero mariing itinanggi ng kampo ni Leren ang isyu.
Read: Former beauty queen Leren Mae Bautista, idinadawit sa Ricci Rivero-Andrea Brillantes breakup
Hanggang ngayon ay wala pang tuwirang pag-amin sina Ricci at Leren ukol sa totoong estado ng kanilang relasyon.
