PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Lee reveals creative collisions with Brocka, Bernal, Abaya

Ricky Lee: “With Bernal... yung boses niya palang, lulunukin ka na, e."
by Rachelle Siazon
Published Apr 10, 2026
National Artist Ricky Lee reveals creative process with film masters Lino Brocka, Ishmael Bernal, and Marilou Diaz-Abaya. Seen here are posters of Himala, Moral, Gumapang Ka Sa Lusak, and Relasyon
Ricky Lee describes in detail what it's like working with fellow film geniuses Lino Brocka, Ishmael Bernal, and Marilou Diaz-Abaya. Seen here are movie posters of Himala, Relasyon, Gumapang Ka Sa Lusak, and Moral.
PHOTO/S: Summit Books / Web / Sagip Kapamilya

Hindi matatawaran ang narasang paghinang sa husay at talento ni Ricky Lee dahil sa pakikipagtrabaho sa kapwa creative geniuses na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, at Marilou Diaz-Abaya.

Lahat sila ay hinirang na National Artists dahil sa mga obrang ambag nila sa Philippine film industry.

Panauhing pandangal si Lee sa talkback session ng 100 SINE. FILM. PELIKULA. The 100+ Greatest Movies of Philippine Cinema, ang collection of film reviews na co-authored nina Jo-Ann Q. Maglipon at Joel David.

Ginanap ang event sa National Book Festival sa SM Megamall noong March 15, 2026.

Natatawa si Lee nang swabeng hikayatin siya ni Maglipon na ikuwento kung nagkakabanggaan ba si Lee at mga nakatrabaho niyang direktor sa proseso ng paggawa nila ng pelikula.

“Honestly, wala akong maisip,” saad ng respetadong screenplay writer na si Lee.

Walang drama at kontrobersiya, pero nagmistulang masterclass ang makulay na paglalarawan ni Lee sa kanya-kanyang estilo ng kanyang esteemed colleagues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat ng mga binanggit niyang pelikula ay pasok sa SINE. FILM. PELIKULA. ng Summit Books.

Ricky Lee chronicles working relationship with film masters at the talkback session for SINE. FILM. PELIKULA. The 100+ Greatest Movies in Philipine Cinema co-authored by Jo-Ann Q. Maglipon and Joel David.
Ricky Lee chronicles working relationship with film masters at the talkback session for SINE. FILM. PELIKULA. The 100+ Greatest Movies in Philipine Cinema co-authored by Jo-Ann Q. Maglipon and Joel David.
Photo/s: Summit Books

Read: Hilda Koronel: "We were very poor. I grew up in the slums."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ISHMAEL BERNAL

Una niyang binalikan ang mga banggaan nila ni Bernal sa pagsulat niya ng scripts.

Ilan sa mga pelikula nila ay ang Himala (1982), Relasyon (1982), at Broken Marriage (1983).

“Tuwang-tuwa ako doon sa ibang mga eksena na nasulat ko, proud na proud ako. Lalo na yung device scenes na sina-submit ko sa kanya.

“So, usually what happens is dadalhin ko kay Bernal yung sinulat ko na feeling ko ang ganda-ganda.

“Binabangga niya. Para sa kanya, if something is easy, di maganda. Dapat difficult siya.”

Pareho raw silang magkokontrahan ng ideas.

“With Bernal, ang laki-laki ng personalidad niya, and ang laki ng boses. Yung boses niya palang, lulunukin ka na, e. So, susuko ka na.”

Pero hindi rin naman daw siya nagpapatinag.

Lahad pa ni Lee: “So, ang nangyayari ay may idea one ako, na binabangga ng idea two niya. So, magbabanggaan yun.

“Madaming lumilipad na mga ideas in the air. Parang ikatlong katas ang tawag ko doon. Para yung napipiga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And I realized yun ang beauty ng collaboration.”

Broken Marriage (1983) was topbilled by Vilma Santos and Christopher de Leon.
Broken Marriage (1983) was topbilled by Vilma Santos and Christopher de Leon.

Mas napapaganda raw yung trabaho, at natututo pa sila pareho.

“Yung sinabi kong ikatlong katas, na-realize ko lang much later, nung tinignan ko, maganda e. Hindi ko maiisip yun, e. And di rin maiisip ni Bernal, in fairness to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think nangyari yun dahil lagi kaming nagbabanggaan.”

Dalawa lang daw ang pelikulang hindi na pinakialaman ni Bernal nang mailatag ang script, at isa roon ang Himala.

“To the letter, hindi niya binago. Otherwise, pag nagsubmit ka ng script sa kanya, ididistronka niya talaga.”

Ishmael Bernal did Himala, Relasyon and Broken Marriage with Ricky Lee.
Ishmael Bernal did Himala, Relasyon, and Broken Marriage with Ricky Lee.
Photo/s: ABS-CBN / Star Cinema
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dominic Ochoa quashes false narratives about best friend Rico Yan

LINO BROCKA

Ibang-iba naman daw ang dynamics nila ni Brocka.

Ilan sa mga pelikula nina Lee at Brocka ay ang Jaguar (1979) at Gumapang Ka Sa Lusak (1990).

“Si Lino, first draft pa lang, babasahin na niya and then sasabihin niya, ‘Kulang 'to. Dagdagan natin ito. Magpalit tayo ng ganito.’ ‘Okay, I'll write a second draft." Usually, hanggang doon lang.

“Hindi siya pabago nang pabago o papalit nang papalit.”

Jaguar was the first movie where Ricky Lee was credited as screenwriter.
Jaguar (1979) was the first movie where Ricky Lee was officially credited as screenwriter. The movie starred Philip Salvador.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas mabilis ang proseso nila?

Ayon pa rin kay Lee, “Unang-unang ginagawa namin yung storyline. Kailangan magkasundo kami sa storyline. And then we give a sequence treatment na magkasundo kami.

“So, whether mauna ako o maghati kami, malinaw na yung susundin naming pareho kasi meron nang kabuuan siya.”

Inilarawan din niya na “down-to-earth” ang atake ni Lino pagdating sa paghimay ng mga karakter sa pelikula.

“Ang discussion, ‘Ano ang ugali niya? Ano kinakain niya? Ano ang gustuhin niya?"

Pumanaw si Brocka dahil sa vehicular accident noong May 22, 1991.

National Artist Lino Brocka did Jaguar and Gumapang Ka Sa Lusak with Ricky Lee
National Artist Lino Brocka did Jaguar and Gumapang Ka Sa Lusak with Ricky Lee
Photo/s: CTTO We
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joseph Bitangcol defends Sandara Park from drug use allegation

MARILOU DIAZ-ABAYA

Pagdating kay Marilou Diaz-Abaya, hindi raw niya kailanman naramdaman ang tensyon kahit magkaiba ang kanilang ideas sa pelikula.

Ilan sa mga pinagsamahan nilang pelikula ay ang Brutal (1980), Moral (1982), at Karnal (1983).

“Si Marilou, madaldal, e. Yung pag nagsasalita siya, ang haba ng mga sentences, [mapapaisip ka], ‘Kailan kaya mag-e-end ito?’ Pero it ends na maayos pa rin,” sabi ni Lee.

Brutal starred Amy Austria, Gina Alajar, Charo Santos-Concio and Jay Ilagan.
Brutal starred Amy Austria, Gina Alajar, Charo Santos-Concio and Jay Ilagan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad pa niya: “Pag nag-submit ako ako sa kanya, ang ginagawa niya, sabi niya sa akin, binabasa niya as Ricky Lee, hindi as Marilou.

“So, kung mayroong portion doon sa script na hindi siya nag-a-agree, na magkaiba kami ng punto de vista, hindi niya babanggain. Hindi niya sasabihing, ‘Pangit ito. It's not working. Hindi maganda.’ Wala siyang negative comment.

“Ang gagawin niya ay idi-discuss niya yung eksena. Sa kaniyang pagiging madaldal. Idi-discuss niya at idi-discuss at magdi-discuss kami nang magdi-discuss.

“Habang nagdidi-discuss kami, parang umiikot ang idea nung eksena paganito.

“At by the time na dumating dito, at nabago na niya yung idea ko, hindi ko na alam, hindi ko nahalata. Nag-a-agree na ako sa kanya."

Moral was headlined by Lorna Tolentino, Gina Alajar, Sandy Andolong, and Anna Marin.
Moral was headlined by (L-R) Gina Alajar, Ana Marin, Lorna Tolentino, and Sandy Andolong.
Photo/s: Sagip Kapamilya
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas ramdam niya ang collaborative effort nila ni Abaya.

“Parang instead na i-exclude niya ako, she included me in the circle. I felt na part ako nung circle na na-create niya, and we were allies even hindi kami magkasundo doon sa idea.”

Halimbawa pa ni Lee, “Like, magkaiba kami ng ending sa Muro Ami at Jose Rizal. But I was able to rewrite the endings, miski idea niya yun, kasi in-include niya ako. So, iba-iba.”

National Artist Marilou Diaz-Abaya did Moral, Karnal, and Brutal with Ricky Lee
National Artist Marilou Diaz-Abaya did Moral, Karnal, and Brutal with Ricky Lee.
Photo/s: PEP File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas malalim din ang pagkakaibigan nina Ricky at Marilou.

Sila raw yung tipong magpapaalamanan at palabas na siya ng gate ng bahay ni Marilou ay aabutin pa sila ng dalawang oras dahil sa haba ng kanilang usapan.

Marami rin daw silang recorded conversations dahil plano sana nilang gumawa ng double memoirs.

Nang magkasakit si Marilou at minsang binisita niya ito sa bahay, sinabi pa raw ni Ricky na di na nila natapos ang kanilang passion project. Hirit raw ni Marilou, "Binigyan mo pa ako ng problema."

Pumanaw si Marilou noong October 2012 matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa breast cancer.

Read: Willie Revillame on why Wil Tower was built during Wowowee days

ON ISHMAEL BERNAL HAVING NO FINISHED SCRIPT

Balik kay Ishmael Bernal, inilarawan ni Lee na on-the-spot ang pagsusulat ng script ng acclaimed Manila By Night director.

“Bernal usually writes his own screenplays. Actually, hindi yung writes talaga kasi wala siyang finished script usually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinusulat niya yung mga eksena the night before [the shoot].”

Sa kaso ng Manila By Night (1980), isang gabi daw na inupuan nina Lee at Bernal ang paggawa ng sequence treatment. Pinag-usapan daw nila “scene by scene” hanggang sa ending.

May kinausap pa raw na tatlo pang consultant si Bernal bago ito nagsimulang mag-shooting.

“And then, siya na nagsusulat ng script every night bago mag-shooting the next day. And then, mostly ini-improvise on the set.”

Manila By Night is a multi-narrative film starring Charito Solis as Virgie, Alma Moreno as Adelina, Lorna Tolentino as Baby, Rio Locsin as Bea, Cherie Gil as Kano, Gina Alajar as Vanessa, Orestes Ojeda as Pebrero, William Martinez as Alex, Bernardo Bernar
Manila By Night is a multi-narrative film starring Charito Solis, Alma Moreno, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Cherie Gil, Gina Alajar, Orestes Ojeda, William Martinez, and Bernardo Bernardo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lito Pimentel talks about rise from PA to actor, past drug use

ON RELASYON

Buhay pa rin sa alaala ni Lee kung paano nila binuo ni Bernal ang pelikulang Relasyon na pinagbidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Umpisa pa lang ay sinabi na raw ng Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde na si Vilma ang bida.

“In the case of Relasyon, pumunta ako sa bahay niya [Bernal]. Pag-upo namin, kwinento niya agad, ‘May kaibigan akong namatayan ng kanyang lover, so hindi siya makapunta sa wake. So nagdri-dream siya sa kanyang bahay sa retrato nung guy.’

“After sinabi niya sa akin yun, we went into a discussion on that–the legal problems of a kerida, the emotional problem, the financial problem, the existential problem of a kerida, the Discussion na siya ng intellectual level.”

First draft pa lang daw ng script ng Relasyon ay nag-shoot na si Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then, nire-revise niya on the set. So pinatulong niya si Raquel Villavicencio while shooting kasi wala ako sa set.”

Bibigyan ni Bernal ng instructions ang lead stars na sina Vilma at Christopher bago ang eksena.

“And then, sinasabihan niya si Vilma at si Boyet, halimbawa, in a scene, ‘Kung paano kayong mag-away sa mga respective niyong asawa…’ Pini-pick up niya doon sa dalawa yung mga magagamit niyang lines sa shooting.”

Bilang side note, naalala ni Lee ang behind-the-scene moment habang kinukunan ang eksenang inatake ng aneurysm ang karakter ni Christopher.

Ang siste, tatawagan ni Vilma ang ina sa telepono para itanong kung ano ang dapat niyang gawin.

Tiyempo na sa gitna ng eksena ay may kinausap sa telepono si Bernal nang hindi hinihinto ang shooting.

“Hindi niya alam may kausap sa phone si Bernal. E, uma-acting siya, di siya puwedeng magulat. So tuloy-tuloy siya. Nagda-drama si Vilma.

“Sa isip niya, ‘Ang tagal mag-cut ni Bernal.’ Di niya alam kung ano ang gagawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero natapos ni Vilma ang eksena nang walang palya.

Relasyon starring Vilma Santos and Christopher de Leon
Relasyon (1982) starred Vilma Santos and Christopher de Leon.

Read: Vilma Santos recalls the moment she was financially "back to zero"

ON HIMALA

Naalala rin ni Lee ang portrayal ni Superstar at National Artist Nora Aunor sa Himala.

Manghang-mangha si Lee kung paano binigyang-buhay ni Nora ang pamosong monologue nito sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Nora ang hindi niya talaga pinag-aaralan. Sabi niya, binabasa niya, dinidibdib niya.

“Or like yung monologue sa Himala, which I rewrote on the set kasi ang pangit-pangit nung original…. So, the night before [the shoot], sinulat yung monologue.

“And then, sabi ni Bernal, one take lang kasi 3,000 extras, sand dunes [ang setting], and eight cameras, hindi puwedeng ulit-ulitin.”

Kalma lang si Nora kahit na kritikal sa pelikula ang gagawing monologue.

“Minemorize lang niya. And then, nagawa niya. When I asked her kung paano niya nagawa, sabi niya, ‘Wala akong panahon. Dinibdib ko lang.”

Malapit sa puso ni Lee ang Himala dahil siya raw ang may konsepto at hands on siya sa pagpili ng direktor at mga cast.

“In a way, one of the few films na akin yung Himala. Nung lumabas yung poster wala yung pangalan ko.

“Years and years later, nung na-restore ang pelikula, for the first time nakita ko yung pangalan ko [sa poster].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Nora Aunor's iconic monologue in Himala
A screengrab from Nora Aunor's iconic monologue in Himala

Read: Nora Aunor: Fast facts about Philippine cinema's Superstar

CLASSIC PINOY FILMS FAR MORE difficult to do than digital films

Sa huli, idiniin ni Lee ang appreciation para sa classic Filipino films na nilikha noong hindi pa digital film.

"Nung tiningnan ko yung libro [SINE. FILM. PELIKULA.], sabi ko kay Jo-Ann, 'Sana ma-realize ng mga magbabasa later na majority ng mga pelikulang ito, ginawa on film, hindi sila digital.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, nung ginawa namin yung mga Moral, Karnal, Himala, Curacha, and so on, film siya. Nagbibilang ng film stock si Marilou.

"Di makukuha ng maraming shots, maraming takes kasi bininilang kung ilan ang rolyo niya.

"With digital, they can take one, take two, take 100 and so on."

Ibang-iba rin daw noon dahil ilang araw pa bago makuha ang rushes sa film, hindi gaya ngayon na pagka-shoot ng eksena ay monitor na sa set. Kaya mas madaling i-perfect ang isang eksena.

"Kami, nagshu-shoot ng Himala, hindi alam ni Bernal yung mga sinu-shoot niya. In the sense that sa rushes lang niya mapapanood na, 'Ay, medyo soft ito...'

"Wala kang monitor sa set para makita mo. So they have to be very exact.

"Sa mga director noon, they were very precise and exact kasi alam nilang walang habol sa post-prod."

Dagdag ni Lee, "So when we were working within those very limited resources, what can we do? And there it is. Some of the 100 movies that [made it in SINE. FILM. PELIKULA.]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
SINE. FILM. PELIKULA. The 100+ Greatest Movies in Philippine Cinema by Joel David and Jo-Ann Q. Maglipon
Photo/s: Summit Books

Binanggit ng may-akdang si Jo-Ann Malipon sa launch ng SINE na nagkasama sila ni Ricky Lee noong panahon ng kanilang "underground days" ng 1972, pati na rin noong sila ay naditena at in-interrogate noong 1974 sa panahon ng martial law.

Ang SINE. FILM. PELIKULA. THE 100+ Greatest Movies in Philippine Cinema, published by Summit Books, ay available sa leading bookstores, Shopee, at Lazada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa SINE, si Maglipon ay editor ng librong Serve, isang collection ng real-life stories ng college editors mula 1969-1972 tungkol sa paano nabago nang malaliman ang buhay nila ng martial law.

Nagsilbi rin si Maglipon bilang founding editor in chief ng YES! Magazine sa loob ng 18 taon at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa loob din ng 18 taon. Ngayon ay editor at large siya ng PEP at abala sa paggawa ng iba pang libro.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Lee describes in detail what it's like working with fellow film geniuses Lino Brocka, Ishmael Bernal, and Marilou Diaz-Abaya. Seen here are movie posters of Himala, Relasyon, Gumapang Ka Sa Lusak, and Moral.
PHOTO/S: Summit Books / Web / Sagip Kapamilya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results