PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rob Gomez apologizes to Shaila Rebortera

"It pains me so much not being with you and our daughter."
by Rachelle Siazon
Published Sep 6, 2023
Rob Gomez and Shaila Gomez
Kapuso actor Rob Gomez on ex-partner Shaila Rebortera: "I will do whatever it takes to win you back. I know that I have no right to ask for your forgiveness but I hope that you can find it in your heart to give me another chance to make things right."
PHOTO/S: @robgomez.23 Instagram

Idinaan ni Rob Gomez sa social media ang paulit-ulit na paghingi ng sorry sa dating partner na si Shaila Rebortera.

Ito ay sa gitna ng rebelasyon ni Shaila na dumanas umano siya ng "physical, verbal, and emotional abuse" noong nagsasama pa sila ni Rob sa iisang bubong.

Read: Shaila Rebortera drops more bombs on physical-abuse allegation vs ex-boyfriend Rob Gomez

Si Rob ay leading man ni Herlene Budol sa ongoing Kapuso Afternoon Prime series na Magandang Dilag.

Si Shaila ay nagwaging Miss Millennial Philippines sa Eat Bulaga! noong 2018, kinoronahang Miss Multinational Philippines noong 2021 at, at ngayon ay isang licensed dentist.

Bandang alas dos ng umaga ng Miyerkules, September 6, 2023, naispatan ng netizens ang Instagram post ni Rob.

Walang tahasang pag-amin si Rob na may katotohanan ang alegasyon ni Shaila na pisakal niya itong sinaktan nang nagsasama pa sila.

Sa pahayag ng aktor, ang direktang inihingi niya ng tawad kay Shaila ay ang pagtaas ng kanyang boses, ang hindi niya pagiging tapat sa beauty queen, at ang mga pagkakataong napaiyak niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Rob (published as is): "Im sorry for hurting you babe. I love you so much. Im sorry for all the pain and hurt that i caused.

"For raising my voice. For not being honest and not reassuring you that I am yours.

"Im sorry for everything. Im sorry for all the tears and sadness.

"It pains me so much not being with you and our daughter. I never wanted this to happen. And its all my fault.

"You are important to me. I miss you and Amelia so much! Im still here."

Ayon kay Rob, handa siyang gawin ang lahat para muli silang magkaayos ni Shaila.

"I will do whatever it takes to win you back.

"I know that I have no right to ask for your forgiveness but I hope that you can find it in your heart to give me another chance to make things right.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I miss you and Amelia so much and I promise that I will never hurt you again."

Deleted na ang Instagram post na ito ni Rob habang isinusulat ang artikulong ito.

THE FINAL STRAW THAT CAUSED THE BREAKUP

Ang hindi pag-amin ni Rob tungkol sa relasyon nila ni Shaila at pagkakaroon nila ng eight-month-old daughter na si Amelie ang mitsa ng hiwalayan sa pagitan ng couple.

Noong August 3, 2023, sinabi ni Rob sa interview niya sa Fast Talk With Boy Abunda na siya ay "single," pero kalaunan ay napaaming may "nililigawan" na babaeng di niya pinangalanan kung sino.

August 4 nang isapubliko ni Shaila na may anak sila ni Rob.

Ipinost ni Shaila sa Facebook at Instagram ang litrato ng kanilang anak na si Amelia, na higit isang taon daw niyang itinago kahit gusto raw sana niyang ipaalam ang pagmamahal sa anak sa lahat.

Read: Beauty queen reveals she has daughter with actor Rob Gomez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na rin nakapagtimpi si Shaila at sumunod na inihayag ang diumano'y pisikal na pang-aabuso sa kanya ni Rob.

August 7 naiulat ang social media posts ni Shaila kunsaan ipinakita niya ang anim na litrato ng kanyang braso na may malaking pasa.

Hindi pa tahasang inakusahan ni Shaila si Rob sa posts na iyon, pero naka-tag ang aktor.

Nagbitiw rin si Shaila ng quoted statements na mahihinuhang idinadahilan sa kanya ng taong nais niyang patamaan.

Ang sabi raw kay Shaila: "It’s just social media," "I’m just protecting my career," at "Let the show stay number one."

Deleted na ang posts na ito ni Shaila habang isinusulat ang artikulong ito.

Naka-private na rin ang kanyang Instagram account.

Read: Beauty queen Shaila Rebortera tags Rob Gomez in IG posts about physical abuse

KATE GOMEZ DEFENDS SON ROB GOMEZ

Mariin namang itinanggi ng ina ni Rob na si Kate Gomez ang paratang na pisikal na pang-aabuso ni Shaila laban sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Kate ay kapatid ng aktor na si Gary Estrada at dati ring aktres.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 7, isiniwalat ni Kate na engaged na sina Rob at Shaila mula pa noong May 2022.

Nakiusap lang daw si Kate kay Shaila na i-postpone ang kasal ng couple ng dalawang taon bilang respeto sa Chinese father-in-law ni Kate na pumanaw.

Inamin ni Kate na sa poder niya sa Parañaque City nanirahan sina Rob at Shaila.

Pero noong August 7 ay nagpaalam daw si Shaila na aalis na ito sa bahay ni Kate kasama ang anak na si Amelie.

Ayon kay Kate, ang mitsa ng hiwalayan ng couple ay ang pahayag ni Rob sa TV interview na single ito, at hindi nito pag-acknowledge sa social media na pamilyado na itong tao.

Depensa naman ni Kate, ang tanging gusto ng anak niyang si Rob ay ihiwalay ang personal at professional life nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Former actress Kate Gomez speaks up about issue of son Rob Gomez with Shaila Rebortera

SHAILA GOMEZ CONFIRMS CRYPTIC POST WAS ABOUT ROB GOMEZ

Nanindigan si Shaila sa alegasyong siya ay nagtamo ng "physical, verbal, at emotional abuse" sa kamay ni Rob.

Sa kanyang Instagram post noong August 13, kinumpirma ni Shaila na totoong umalis siya sa bahay ni Kate kung saan sila nakatira ni Rob.

Ang dahilan, ayon kay Shaila, mas pinili niyang umalis kaysa pumayag sa kagustuhan ni Kate.

Gusto raw ni Kate na humingi ng sorry si Shaila matapos i-post ng beauty queen ang litrato ng kanyang brasong may pasa, at kapalit daw noon ay maaaring manatili pa rin si Shaila sa bahay ni Kate.

Tahasan ding sinabi ni Shaila na napag-alaman niyang hindi lang iisang pagkakataong nambabae umano si Rob, habang itinatago ng aktor ang pagkakaroon ng partner at ng anak sa ngalan ng "career."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Shaila Rebortera drops more bombs on physical-abuse allegation vs ex-boyfriend Rob Gomez

Noong August 27, sa kauna-unahang pagkakataon, nag-post si Rob sa Instagram ng family picture kasama sina Shaila at Amelie.

Bahagi ng mensahe ni Rob para kay Shaila: "You are not an option for me to lose. I can't wait to have you both back in my arms.

"I’m sorry I said yes to being single when I’m not. I promise to keep my promises to you this time."

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Rob Gomez on ex-partner Shaila Rebortera: "I will do whatever it takes to win you back. I know that I have no right to ask for your forgiveness but I hope that you can find it in your heart to give me another chance to make things right."
PHOTO/S: @robgomez.23 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results