Sugar mommy nina Bruce (Ron Angeles) at Gringo (Andre Cue) si Sylvia (Pinky Amador) sa Kapuso afternoon series na Apoy sa Dugo.
Kumustang katrabaho si Tita Pinky?
“Ay, naku! Very masaya kami sa set,” sabi ni Ron Angeles sa mediacon ng White Party Manila: Reignite noong Mayo 9, 2026, Sabado, sa Bigger Pictures Studio, Reliance St. cor. Sheridan St., Mandaluyong City.
“And very magaan niyang ka-work. Siyempre noong una, sobrang nahihiya din ako.
“Kung napanood niyo naman yung role ko doon... noong una sobrang nahihiya ako.
“Pero once nagkausap kami before kami gumawa ng mga scenes namin, parang tita ko lang si Tita Pinky.”

RON ANGELES ON VIDEO SCANDAL
May nagbibiru-biro ba sa kanya sa set dahil kabilang siya sa "The Big Four" na may video scandal?
“Ahhh wala naman. Peaceful naman yung set. I mean, wala naman akong naririnig na mga tsismis-tsismis or small talks,” malumanay na tugon ni Ron.
“OK naman, OK naman.”
Nagkakatsikahan ba sila ni Andre sa set? Napag-usapan ba nila ang kanilang ordeal?
“Ahh hindi kami nagkasabay ni Andre sa taping. And actually, nung ininterbyu kami ni Tito Boy [Abunda], nakilala ko si Andre,” pagsisiwalat ni Ron.
“Doon ko lang siya nakilala. And hindi ko alam na victim din pala siya. So, doon lang kami nagkausap. Personal.
“Kinumusta ko rin siya kung how’s everything. Kumbaga, siyempre baka hindi siya sanay. Kasi alam ko, baguhan si Andre.
“Pero yun, nagkausap kami, personal.”
Read: Andre Cue, kinutuban sa lion sticker kaugnay ng video scandal

RON ANGELES ON MOVING ON
Pebrero 28, 2026 nang kumalat online ang intimate videos nina Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad, at Arron Villaflor na tinaguriang The Big Four.
Sumunod pa ang videos ng pakikipagtalik nina Andre Cue, Nico Locco, Jayden Fernandez, at alleged videos ng iba pang kilalang male personalities.
Kumusta ngayon si Ron?
“OK naman ako. I mean, marami namang nagtanong sa akin kung kumusta na ako. And I’m doing good, I’m doing fine,” saad ng hunk actor.
“Busy po ako sa trabaho ngayon. Sunud-sunod yung ginagawa nating proyekto po ngayon.”
Naka-move on na siya?
Tumango si Ron: “Of course, of course. OK naman, ahh kumbaga sa akin, wala na yon.
“Tapos na, e. So, wala na tayong magagawa doon. Katulad nga ng sinasabi ko, I just need to accept it and embrace the situation para tuluy-tuloy lang.”
Ano ang natutunan niya?
“Sobrang dami! I mean, marami akong realizations lately.
"Pero one thing lang na talagang tumatak sa akin is minsan kailangan nating kontrolin talaga yung emosyon natin.
“Yung pakiramdam din natin, kailangan din nating maniwala doon sa guts.
“Na parang kapagka, I mean, yung kutob na pag hindi siya maganda, so it’s better not to do it next time,” pagtatapat ni Ron.
May galit ba sa kanyang puso?
“Galit sa puso? Ahhh siguro wala. Wala naman akong galit even dun sa gumawa sa akin nun,” sagot ni Ron.
“Siguro that’s the thing kaya naka-move on ako nang mabilis or mas naging masaya ako is, hindi na ako nagtanim ng galit.
“Kung sino man ang gumawa sa akin nun, or kung sino man ang mga involved sa pangyayari na yun, pinatawad ko na sila actually.
“Pero, like, katulad nga ng sinabi ko, and my management as well, siyempre manager ko, si Sir Bryan [Dy], na we’re still looking forward to justice that we want.
“Hindi lang para sa akin, para sa lahat ng biktima. At para wala na silang mabiktima sa susunod na panahon.”
Read: Ron Angeles spills details about viral video scandal
RON ANGELES ON TAKING LEGAL ACTION
Sabi ni Sir Bryan, pinayuhan niya si Ron na kung makikipagniig ito ay huwag gawin sa ibang lugar kundi sa sariling bahay.
Natawa si Ron: “Ha! Ha! Ha! Actually ano lang, inside talks na lang namin yan. Biru-biruan lang.
“Actually, hindi na namin napapag-usapan. Pero noong mga una, talagang… hindi naman niya ako pinagalitan as my manager din.
“Siyempre parang tatay ko na yan. Kumbaga, umisip na agad kami ng solusyon kung ano yung puwede naming gawin.
“And wala na. Kumbaga kami, let’s move forward. Move on na kami. And let’s get back to work.”
May kaso bang isasampa nila? O wala na?
“Actually po, hanggang ngayon, meron pa rin kaming ginagawang legalities na hindi pa namin puwedeng masabi lahat,” pagsisiwalat ni Ron.
“And soon, malalaman niyo po. Pagka nakuha na natin yung justice na gusto natin."
Mag-isa lang ba siya sa kasong isasampa? O may kasama siyang iba pang mga biktima?
“Isa na po ako and actually, may mga kakilala ako na nabiktima din. Mga friends din sila,” pahayag ni Ron.
“Yung iba… mga more than five na po kami. More than five.”
So far, mahigit isang dosena pa lang ang kumalat na intimate videos ng local male personalities.
Nagulat ba siya na mahigit 50 lahat ang biktima ng naturang modus operandi?
“Opo! Sobra!” bulalas ni Ron.
“I mean, sabi ko nga, akala ko, ako lang, e. Pero nung time na parang sabi ko, bakit pare-parehas?
“Bakit pare-parehas kaming nasa industriya? Same girl, same place. Sabi ko, ahhh yun nga. Hindi ito normal na gawain. It’s a syndicate.”
Read: Ron Angeles, balik-trabaho na matapos masangkot sa video scandal
GIRLS WITH TATTOOS
Sabi-sabi, tatlong magkakaibang babae na may tattoo ang nakatalik ng male personalities na na-video-han nang palihim.
Natatakot na ba siya sa mga babaeng maraming tattoo?
“Actually hindi naman. Wala namang trauma. Wala naman akong trauma pagdating sa… siguro yung trauma ko na lang is yung pupunta ako sa isang lugar na, I mean, hindi ko alam,” lahad ni Ron.
“In-invite lang ako, or kahit na sino, babae man, lalaki, kaibigan. Yun ang rule ko ngayon.
“Ayokong pumunta sa mga condo, sa ibang bahay, or kahit saang lugar na alam ko, hindi ako safe.
“If you wanna see me, sa bahay ko, pag personally, sa bahay ko. Then sa public. Yun lang.”
Mas marami bang babae ang nagpaparamdam o nagpapahiwatig sa kanya ngayon?
Natigilan sandali si Ron bago sumagot, “Ahh hindi ko po alam. Pero I think so po, meron. Meron po, meron, meron.”
Pati gays?
“Marami po! Sobra!”
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
WHITE PARTY: REIGNITE
Magkatuwang ang Mentorque Productions at Love Yourself sa paghahatid ng White Party Manila (WPM): Reignite na gaganapin sa Hunyo 27, 2026, Sabado ng gabi, sa World Trade Center, Sen. Gil Puyat Ave., Pasay City.
Kabilang sa ambassadors ng WPM 2026 sina Vice Ganda, Andoy Ranay, John “Sweet” Lapus, Joey Mead King & Angie King, Ice Seguerra & Liza Diño-Seguerra, Janella Salvador & Klea Pineda, Alex Diaz, Chie Filomeno, Mimiyuuuh, Kirk Bondad, Kenneth Marcelino, and the most beautiful KaladKaren na nag-host ng mediacon.

Siyempre pa, katuwang sa Pride Party na ito ang Mertorque talents kung saan kabilang si Ron.
Paano siya sinuportahan ng LGBTQIA+ community? At paano siya sumuporta rito?
“Siguro po, yung support na nakuha ko from the community is mas marami yung good,” sambit ni Ron.
“Mas marami yung better po kesa dun sa mga siyempre, mga comments, mga bad comments na nababasa ko. Puro trolls naman iyan, e.
“Puro alam mo yun, puro dummy accounts. Kaya rin ako nandito sa White Party, to show my support for the community, for the whole community.
“For the LGBTQIA+ community, for the allies. Kasi siyempre, like since nung nag-start ako, sila na yung nandiyan for me, like 80% of my fanbase, e, mula sa communities.
“So, I think, itong party na ito, marami silang kailangang i-celebrate. So ako, nandito ako to support them, especially to support Mentorque sa event na ginawa nila na ito.
“And lagi kong sinasabi sa community na talagang mahal na mahal ko sila. Kung hindi dahil sa kanila siguro, hindi ako tatagal sa industriya.”
Read: WHAT PEP KNOWS. Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?
