PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandara Park's Surprising Filipino Praise

"Nakaka-flatter na hanggang ngayon, kilalang-kilala pa ako ng mga Pinoy."
by Arniel C. Serato
Published Jun 9, 2023
Sandara Park thankful to Filipinos for not forgetting her
Sandara Park: "Question! Pano nyo ba ako naalala hanggang ngayon kahit matagal na ko wla sa Phil. TV show. Sa halos lahat ng generation, naalala pa nila ako. Kahit sa mall, sa market, sa restuarant, sa lahat ng places kakagulat hehe I’m so happy!!!”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hindi makapaniwala ang former 2NE1 member na si Sandara Park, 38, na hanggang ngayon ay kilala pa rin siya ng mga Pilipino.

Ito ay sa kabila na ilang taon na siyang hindi namamalagi at walang proyekto sa Pilipinas.

Sa South Korea nakabase si Sandara, kilala rin sa tawag na Dara.

Sa kanyang Twitter account kahapon, June 8, 2023, nag-post si Sandara ng ilang larawang kuha sa Clark, Pampanga.

Nandito sa bansa si Sandara para mag-shoot ng Korean variety show na Idol Truck Project. Kasama niyang dumating ang WINNER member na si Jinu, NU'EST members na sina JR at Aron, at ang rapper na si DinDin.

Mensahe ni Sandara para sa mga Pinoy, “Question! Pano nyo ba ako naalala hanggang ngayon kahit matagal nako wla sa Phil. Tv show.

“Sa halos lahat ng generation, naalala pa nila ako. Kahit sa mall, sa market, sa restuarant, sa lahat ng places kakagulat hehe I’m so happy!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot naman ng isang tagahanga niya, “Kasi phenomenal ang pagsikat mo accla. Hahaha! Miss you krungkrung!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa isang netizen, “Because Sandara Park is SANDARA PARK. Periodt”

Dagdag ng isa pa, “A legend will forever be a legend. Mahal na mahal mo kami kaya mas mahal ka namin. From all generations of Filipinos, nag-iisa ka”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mensahe ng isa niyang fan, “tumtnda man tau pero ang pag mmhal naming pilipino sau ay walang katumbas ..ikaw kaya ang pambansang krung krung ng pilipinas kaya nkatatak ka na sa isip at puso namin..mhal ka namin..kaya tau ay kumanta na ng in or out”

Nagbahagi rin si Sandara ng iba pang larawan sa kanyang Instagram account kahapon din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, nagugulat siya dahil kilalang-kilala pa rin siya ng mga Pilipino.

“Sobrang nakakagulat at nakakaflatter na hanggang ngayon, kilalang kilala pa ako ng mga Pinoy. Maraming salamat sa love & support nyo sakin~!!! mahal ko kayo~!!! Forever~!!! [PH, heart emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)

Sumikat si Sandara sa Pilipinas matapos siyang hiranging runner-up sa Star Circle Quest ng ABS-CBN taong 2004.

Read: WHERE ARE THEY NOW: Star Circle Quest Season 1 teen finalists

Tinagurian din siya noon bilang “Pambansang Krung-Krung.”

Nilisan niya ang Pilipinas taong 2007 at bumalik ng South Korea para mag-training sa YG Entertainment bilang K-pop star.

Read: FIRST READ ON PEP: Sandara Park quits showbiz, goes back to Korea

Taong 2009 nang mag-debut siya bilang miyembro ng all-female K-pop group na 2NE1, kasama sina CL, Park Bom, at Minzy.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay "Fire," "I Am The Best," "Ugly," at "Lonely."

Read: Really, Sandara Park third wealthiest female K-Pop star with PHP1.2 billion net worth?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandara Park: "Question! Pano nyo ba ako naalala hanggang ngayon kahit matagal na ko wla sa Phil. TV show. Sa halos lahat ng generation, naalala pa nila ako. Kahit sa mall, sa market, sa restuarant, sa lahat ng places kakagulat hehe I’m so happy!!!”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results