#BeaAlonzo1521issue
Naglabas ng patunay si Shirley Kuan na hindi nag-demand ng VIP treatment ang alaga niyang si Bea Alonzo sa produksiyon ng international film na 1521.
Taliwas ito sa alegasyon ng kampo ng producer na maraming "unreasonable demands and expectations" ang aktres noong ginagawa pa ang pelikula.
Read: "Unreasonable demands?" Shirley Kuan breaks silence on controversy involving Bea Alonzo
Si Francis Ho, isang U.S.-based Filipino independent producer na may-ari ng kumpanyang Inspire Studio, ang nagprodyus ng pelikula.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinaliwanag ni Shirley na malinaw kay Bea kung ano ang mga bagay na kargo ng produksiyon at kung ano ang ibang pangangailangan ng aktres na sarili na nitong gastos.
Isa na rito ang isyu tungkol sa hotel accommodation ni Bea at ang glam team na nakasama ng aktres sa loob ng halos isang buwang shooting ng pelikula.
Lumipad si Bea sa Palawan noong August 1, 2022, at bumalik sa Maynila noong August 24, 2022.
Kinumpirma ni Shirley na sagot ng producer ang hotel room ni Bea, at dalawa pang hotel rooms para sa glam team ng aktres.
"Standard naman yan, e. Kahit saang project naman namin. Bea plus one, okay?
"And then, yung sa hair niya, yung sa makeup, yung glam team in other words, sagot ng producer yun. It goes without saying, standard yun, di ba?"
Magkasama sa ikalawang hotel room ang handler at personal assistant ni Bea; at ang kuwarto na ito ang nagsilbing makeup/prep room ni Bea.
Magkasama naman sa ikatlong hotel room ang make-up artist at assistant nito.
Sa ibang resort dapat naka-assign ang make-up artist, pero pinalipat ito ni Bea sa hotel kung nasaan ang aktres.
Dahil mas mahal ang kinalulugarang hotel ni Bea, ang aktres daw ang nagbayad ng additional expense sa upgraded accommodation para sa make-up artist.
Ayon kay Shirley, totoong may mga dagdag na taong isinama si Bea sa lock-in shoot, at si Bea na ang nagbayad ng accommodation para sa mga ito.
Sinu-sino ang additional people sa Team Bea?
Napag-alaman ng PEP.ph na may kasama siyang sariling hair stylist, wardrobe stylist, marshall, fitness coach, at driver sa Palawan.
Si Bea na raw ang nagbayad sa hotel at food expenses ng mga ito sa parehong hotel kung nasaan si Bea.
Magkasama sa isang kuwarto ang hair stylist at wardrobe stylist, at ang marshall at fitness coach ang magkasama sa isa pang kuwarto.
Nang bumalik pa-Manila ang fitness coach, ang driver na ni Bea ang pumalit dito na kasama ng marshall sa hotel room.
Paliwanag ni Shirley sa PEP.ph: "Decision ni Bea to bring extra people for her comfort and her safety because malayo siya sa comfort zone niya.
"So, she needed these people and she knows na dapat sagot niya. From airfare, to their hotel, to their food, everything sagot niya.
"And, wala kaming hiningi sa producer. Kahit ano. Kasi alam namin responsibility namin yun."
Isa lang daw ang pabor na hiningi ng staff ni Shirley mula sa produksiyon—ang tulungan ang team ni Bea na mag-book ng accommodations ng mga ito.
"Kasi silang nakikipag-usap sa hotel. Sila ang nandun sa Palawan. Yun lang.
"Magpa-favor ka, 'Paki-book na ganyan para sama-sama sila. Kasi para sabay-sabay na, e."
Tinulungan naman daw ng produksiyon ang team ni Bea sa pagbu-book ng hotel ng extra people na kasama ng aktres.
"Is that an unreasonable demand? Pero si Bea magbabayad. So, walang issue kasi si Bea magbabayad, e," sabi ni Shirley,

Read: Special screening ng pelikula ni Bea Alonzo sa Amerika, apat lang ang nanood
BEA PAID FOR TEAM BEA'S additional EXPENSES
Ibinahagi rin ni Shirley sa PEP.ph na may inilaang pagkain ang produksiyon para sa team ni Bea, pero pinili raw ng aktres na magpa-cater mula sa hotel mismo.
"Kinausap nila yung kitchen na every day magpapaluto kami.
"Pero I think sa accommodation kasama yung breakfast. So that we didn't have to order.
"Pero yung lunch, and sometimes daw snacks, and then dinner, naka-order yun sa kitchen. Pinapaluto yun.
"Hindi na namin yun dinemand," saad ng manager ni Bea.
Bakit gumastos si Bea sa pagkain kung may production meals?
Paliwanag ni Shirley, "Kasi, when they showed me yung food na ganito...
"So, I called the producer, 'Parang hindi yata enough yung food. Kasi hindi siya pang-Pinoy. Walang kanin, mga ganon.'
"So, sabi niya, 'Kasi ano yan, we based it also on the foreigners na kasama namin sa set.'
"So, noong sinabi yun, 'Ah, it's okay, it's okay, magpapaluto na lang ako.'"
Alam na raw ni Bea na lutong Pinoy ang hahanapin ng Team Bea kaya nagdesisyon ang aktres na magpaluto na lang sa hotel.
Katuwiran ni Shirley: "Siyempre kailangan ng Pinoy may sabaw, may kanin. Di ba?
"Hindi namin dinemand yan. For the whole duration, Bea paid for the food of herself and her team.
"Kasi Bea is like that. Gusto niyang kahit man lang sa pagkain, i-reward niya yung team niya for working hard.
"Ano niya nga daw, di ba? Love language niya, food. And to make sure na yung team niya okay."
Paglilinaw ni Shirley, hindi naman daw ipinamukha ni Bea sa producer ang mga ginastos nito noong shoot.
"Pero kailangan ko pa bang ibalita yan sa lahat?
"We didn't say all these things. We've been quiet. Sinulat lang namin yan sa lawyer.
"Pero kami, quiet kami."
Read: 8 cake-related incidents that made news
SHIRLEY SAYS BEA HAD NO COMPLAINTS ABOUT HOTEL
Sa pagsasaliksik ng PEP.ph mula sa ibang source, napag-alaman naming may ibang tao sa shoot ang may reklamo sa kanilang accommodations.
Sinasabing walang shower, kundi tabo at balde ang ginagamit panligo sa hotel room.
Sa kaso ni Bea, ayon kay Shirley, walang reklamo ang aktres sa hotel accommodation.
"Hindi. Yung hotel, pinapili nga kami," paglilinaw ni Shirley.
"Merong hotel sa may city, tapos merong hotel na resort, but near the location. At pinakita sa amin ang mga pictures.
"So, pinili namin yung near the location. And it was a decent hotel. Wala kaming konting reklamo.
"Wala kaming reklamo. Wala kaming reklamo talaga sa hotel."
Diin pa ni Shirley: "Sino nagsabing tabo? Baka iba yung binigyan ng tabo, hindi kami.
"Not Bea and her team. I cannot speak for other people.
"Tanungin niyo yung taong nagsasalita diyan. It may have happened. But not to Bea."
Read: Bea Alonzo on Dominic Roque's proposal: "It was so raw. It was so real."
ON BEA'S CO-STAR DANNY HAVING NO COMPLAINTS
Hiningan din ng PEP.ph ng reaksiyon si Shirley tungkol sa pasaring ng kampo ng producer na ang "biggest star" ng 1521 ay si Danny Trejo.
Ito ay sa kabila ng press release sa pelikula na ang tema ay sumesentro sa love story ng fictional Mactan princess na si Diwata, na ginagampanan ni Bea, at Spanish interpreter na si Enrique, na ginagampanan ng American actor na si Hector David Jr.
Si Danny—na kilala sa American films na Machete (2010), Recoil (2011), at Bad-ass (2012)—ay gumanap bilang si Ferdinand Magellan sa pelikulang 1521.

Sa ulat ng bandera.inquirer.net at inquirer.net, sinabi raw ng representative ng producer na hindi naringgan ng reklamo si Danny kumpara kay Bea na marami umanong hininging demands sa producer kahit wala sa kontrata.
"Well, then good for you," simpleng reaksiyon ni Shirley patungkol sa producer na si Francis Ho.
"Because I don't know the deal. I don't know his deal with Danny. What can I say?
"Lalaki pati yan. Baka cowboy siya. Iba yung babae. Iba yung needs ng babae."
Ulit pa ni Shirley, "Hindi ko alam. 'Tsaka hindi ko alam usapan nila. Hindi ako kasali sa deal nila, e. E, di kung nag-promote, e, di good for you!"
Namangha naman si Shirley sa sinasabi ng kampo ng producer ng 1521 na natupad nito lahat ng nasa kontrata nila ni Bea.
"Overfulfilled nga kami, di ba? Na-fulfill ba niya yung costume?" gigil na saad ni Shirley.
"Pero hindi kailangan nasa contract yun, e.
"Meron bang contract dito sa atin sa Pilipinas? Ilagay ba sa contract kailangan mag-fit yung costume? Kailangan ba yun? Wala akong alam na ganon.
"So, kailangan from now on, sasabihin ko, 'Make sure sa contract kailangan fit yung costume?'
"Understood yun, e. Basic yun, e."
Kaya raw ganoon na lamang ang inis ni Shirley nang palabasin ng kampo ng producer na maraming "unreasonable demands and expectations" si Bea.
"So, anong demand ang sinasabi nila? So, bakit nila binabaliktad? Para lang may publicity? Ganun ba?
"Babaliktarin niyo? Mag-iimbento kayo ng kuwento?"
Diin ni Shirley, hindi tama na si Bea ang iturong may demands sa producer.
"Basta hindi yung walang ganyan because hindi totoo yan.
"So, ang feeling ko, gusto lang nila talaga siraan si Bea.
"Kasi nagsasabi, nag-iimbento na, e."
