Watch Now

Skusta Clee dares Vanessa Raval to name "sikat na panget na lalaking rapper" in her cryptic posts

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 28, 2022
Vanessa and Skusta
Skusta Clee: “Ms. Vanessa Raval, I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone– meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan? I’ll be waiting."
PHOTO/S: Vanessa Raval/Skusta Clee Facebook

Hinamon ni Daryl Ruiz, mas kilala bilang si Skusta Clee, ang kilalang social media influencer na si Vanessa Raval na pangalanan ang pinapatamaan nitong rapper sa social media na diumano'y nilalandi siya.

Si Skusta Clee ay isang rapper at miyembro ng Ex Battalion.

Si Vanessa ay anak ng action star na si Jeric Raval at kapatid ng sexy actress na si AJ Raval.

Read: Skusta Clee speaks up about realization after breakup with Zeinab Harake

Noong July 27, 2022, nagsimulang pag-usapan sa social media ang sunud-sunod na posts ni Vanessa kasama na ang screenshots ng usapan nila ng aniya'y "sikat na panget na lalaking rapper," na ayaw umano siyang tigilan at panay ang pagtsa-chat at paglalandi sa kanya.

Mababasa sa screenshots ang paulit-ulit na pagtatanong ng rapper kung nasaan si Vanessa at pamimilit nitong magkita sila.

Diretsahan ding kinromponta ni Vanessa ang umano'y rapper at sinabing tantanan na siya dahil may boyfriend na siya at hindi niya gusto ang mga chat nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, umani ng iba't ibang reaksiyon at espekulasyon ang netizens na ang tinutukoy ni Vanessa ay walang iba kundi ang singer-rapper na si Skusta Clee.

Nakarating ito kay Skusta at agad niyang pinabulaanan ang paratang.

Posibleng marami ang nag-tag kay Skusta dahil sa mga lumabas na isyu kaugnay ng hiwalayan nila ng YouTuber na si Zeinab Harake.

Read: Skusta Clee posts "Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala"; Zeinab's friends react

Sa kanyang Facebook post ngayong Huwebes, July 28, 2022 hinamon ni Skusta si Vanessa na i-name drop ang tinutukoy niyang rapper.

Saad ni Skusta sa kanyang Facebok post (published as is): “Ms. Vanessa Raval, I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me.

"To be fair to everyone– meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan? I’ll be waiting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad ding sinagot ni Vanessa ang naturang post nang i-screenshot niya ito at i-post sa kanyang Facebook wall.

Caption niya (published as is): "Pre, Hindi nga Ikaw yon. Hindi ako pwede mag name drop

"Alam nyo naman sa pilipinas. Kapag nag name drop ka sa social media kahit Ikaw tama,? Ikaw pa rin kaksuhan. Sino paba?"

Skusta Clee and Vanessa Raval

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


CRYPTIC POSTS

Nag-ugat ang pagkadawit sa pangalan ni Skusta sa mga cryptic post ni Vanessa sa Facebook.

Ayon kay Vanessa, mayroong rapper na nagpaparamdam sa kanya kahit alam daw nitong may kasintahan siya.

Una niyang post sa kanyang Facebook page, "Isang rapper Ang Ayaw ako tigilan sa chat. Na babash kana sa pambababae mo Wala ka parin dala?

"Mahilig ka talaga sa malaman no? Wag ako, e ano kung sikat ka? Maganda lahi ng tatay ko wag Mong dungisan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan pa ito ni Vanessa ng isa pang post.

Saad niya, "PARA DITO SA RAPPER NA FEELING POGI, MAKUNTENTO KA SA CHICKAS MONG BAYARAN.

"WAG MOKO IDAMAY. IMBIS NA MAG FOCUS KA SA ISANG ANAK, NAG FOFOCUS KA SA MADAMING BABAE.

"HINDI LAHAT NG NATIPUHAN O PINAG NANASAAN MO KAKAGAT SAYO. SORRY, HINDI KO KAYA KUMAIN NG PUTAHENG PANGIT ANG LASA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIKTOK VIDEO

Nag-post din si Vanessa ng isang TikTok video kung saan ikinuwento niya ang pagpaparamdam sa kanya ng sinasabi nitong rapper.

Aniya sa video, "It's Vanessa Raval, so nandito ako ngayon para nga sa... meron kasing rapper na napakakulit. Yung nai-issue na siya dahil sa pagiging babaero niya pero hindi pa rin nadadala.

"Alam mo yun, ano bang meron? Pare-pareho lang ang mga babae, ang butas ng babae. Bakit hindi kayo makuntento sa isa? Bakit gusto niyo paiba-iba pa?

"Ako ano, ha, sorry, hindi ako kagandahan, hindi ako maputi, hindi ako sexy, pero hindi naman sapat na dahilan yun para pakisamahan or sakyan ko yung gusto mo.

"May taste pa rin ako. You know what, pass sa cheater na pangit. Kahit guwapo ka pa, basta cheater ka, pass sa 'yo."

Ayon pa kay Vanessa, hindi niya kailangang gumamit ng ibang kilalang personalidad para sumikat.

"Kasikatan? Hindi ko kailangan ang kasikatan mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung kailangan ko ng sikat na tao, nandiyan yung tatay ko [Jeric Raval]. Kung gagamit lang ako ng sikat na tao, nandiyan yung tatay ko, siguro naman mas sikat sa iyo yung tatay ko.

"Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ko trip kumain ng pagkain na pangit ang lasa. Hindi ko rin kasi trip magkabahay na lagyan ng dekorasyon na magiging sanhi ng pagkapangit ng bahay ko.

"Maganda lahi ng tatay ko, hindi ako sa nagmamayabang. Pero kung sa 'yo, pass. Uulitin ko, hindi ka guwapo, sikat ka lang."

Sa huli ay hinamon ni Vanessa ang mga kapwa niya kababaihan na maging maingat kung sakaling magparamdam din sa kanila ang rapper na tinutukoy niya.

Saad niya, "Sana sa mga babae pa na mabibiktima or lalapitan nitong unggoy na ito, maging ano kayo...mahalin niyo yung sarili niyo. Hindi niyo deserve.

"Maghanap kayo yung matinong tao. Yung kapag inanakan kayo, hindi kayo iiwan sa ere."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay hindi pa rin pinapangalan ni Vanessa kung sino nga ba talaga ang rapper na tinutuloy niya sa kanyang mga post.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Skusta Clee: “Ms. Vanessa Raval, I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone– meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan? I’ll be waiting."
PHOTO/S: Vanessa Raval/Skusta Clee Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results