Nangangamba ang fans ni JM Ibara dahil sa death threats na natanggap ni JM mula sa ilang tagahanga nina Fyang Smith at Jarren Garcia.
Sina Fyang at Jarren ay kapwa housemates ni JM sa Pinoy Big Brother: Gen 11, na umere mula July 20-October 26, 2024.
Si JM ang kasalukuyang love team ni Fyang, ngunit mayroon ding netizens nagsi-ship kina Fyang at Jarren dahil sa pagiging malapit nila noon sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Read: Fyang Smith chooses JM Ibarra over Jarren Garcia
Star Magic shows online death threat vs jm ibarra
Dahil sa magkaibang fandom, may ilang tagahanga si Jarren na pinagbantaan si JM.

Ang umano'y banta sa buhay ni JM ay makikita sa social-media post ng Star Magic noong Miyerkules, May 28, 2025.
Ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN Studios, na humahawak sa showbiz career nina Fyang, JM, at Jarren.
Ini-screenshoot ng Star Magic ang post ng Facebook page na JMFYANG ANGELS, na may 104,000 followers.
Narito ang kabuuang post (published as is): "Kung hindi mapupunta si fyang kay Jarren di rin siya mapupunta kay JM kasi sa June last show niya yun. May gagawin kaming fandom para mawala si JM nag hire kami ng hitman para mawala ang tinik saming mga JarFyang si Tito Mak Mak niyo."
Naalarma ang Star Magic sa post na ito.
Sa isang official statement, nagbabala ang Star Magic laban sa namamahala ng naturang Facebook page.
Sabi rito (published as is), “Star Magic does not tolerate threats, derogatory remarks, and other personal attacks made online against our artists.
"These acts have serious and damaging consequences and we will take legal action, if necessary.”
Habang isinusulat ang artikulong ito ay naka-private na ang fan page na naglathala ng sinasabing banta laban kay JM.
Wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina JM, Fyang, at Jarren ukol dito.
