On the road to recovery na ang aktres na si Sunshine Cruz matapos makaranas ng mga sintomas ng COVID-19.
Sa bahay lamang nagpapagaling ang aktres.
Sa kanyang social media accounts, ibinahagi ni Sunshine ang kanyang recovery journey mula sa sakit.
Noong Linggo, April 11, ang ika-16 araw ni Sunshine sa kanyang isolation.
Malaki ang pasasalamat ng aktres na kahit hindi man sila nagkikita-kita ng kanyang tatlong anak na sina Angelina, Sam, at Chesca ay may social media naman daw na nakakatulong para magkumustahan sila.
Bumabalik na rin daw ang kanyang panlasa at pang-amoy.
Sabi ni Sunshine sa kanyang post, “Patience is definitely a virtue [praying hands, heart emojis]
“It is already a blessing that I am just isolated in the comfort of my home (most are confined in hospitals or Kalinga Centers.)
“I may not see the kids but hearing and chatting over the phone with them makes me look forward to seeing and hugging these princesses of mine once again.
“I know I am on my way to recovery. Headache, body pain is now more tolerable, cough is not as worse, my sense of taste and smell have improved. I thank God everyday for I am slowly getting better. [praying hands]”
View this post on Instagram
Noong April 5, ika-11 araw ng kanyang isolation, sinabi ni Sunshine na isa ang dasal sa naging sandalan niya sa kanyang pinagdadaanan.
Nagpasalamat din siya sa mga taong nagpaabot ng suporta sa kanya dahil lalo raw lumakas ang loob niya upang magpagaling.
Mensahe ng aktres, “So near yet so far..
"I miss hugging and talking to my three girls. Amidst our struggles especially during this time of pandemic, I can’t thank the Lord enough.
"My family’s situation is still much better than those that I have been hearing and seeing online.
"It is scary and I always worry for my family, loved ones and friends. But then saan ba ako dadalhin ng pagaalala at sobrang pagiisip?
"Dasal talaga ang sinasandalan ko, yung suporta at pagbibigay ng lakas ng loob ng mga taong nagmamahal samin ng mga bata. You guys know who you are. Thank you!
"Can I ask that you please include my kids and I sa prayers nyo?
"Laban lang po tayo."
View this post on Instagram
GET-WELL-SOON MESSAGES
Marami namang fans at kaibigan ni Sunshine ang nagdarasal para sa kanyang agarang paggaling.


