Ikinagulat ng maraming pageant fans na hanggang Top 11 lang ang inabot ng kandidata ng Pilipinas na si Annabelle McDonnell sa The Miss Globe 2025.
Bago ang grand coronation na ginanap sa Tirana, Albania, nitong Miyerkules, October 15, 2025, isa si Annabelle sa itinuturing na strongest contenders para mag-uwi ng korona.
Siya rin ang nanalo sa Head-To-Head Challenge.
Pero hindi siya nakaabot sa Final 5 ng kumpetisyon.
Read: Kirk Bondad wins Mister International 2025
THE MISS GLOBE 2025 WINNERS
Ang itinanghal na The Miss Globe 2025 ay si Chayatus Saradatta ng Thailand.
First runner-up si Valentina Gegprifti ng Albania; second runner-up si Samantha Sarelli ng USA; third runner-up si Jolie Pede ng Belgium, at fourth runner-up si Jennifer Chang ng Cuba.

Read: Awra Briguela proud of first runner-up win at Hiyas ng Silangan 2025
