Valerie Concepcion almost quit showbiz

by Rommel R. Llanes Video Editor: Kim Benedict Manalo
Published Aug 17, 2022

Kahit na biglaang nabuntis noon, nakabalik naman sa showbiz si Valerie Concepcion.

Nakagawa na nga siya ng iba't ibang roles mula sa pagiging bida hanggang sa pagiging kontrabida.

Hindi siya nag-quit ng showbiz dahil sa kanyang pagdadalantao noon, bagkus ay nagsumikap pa para maitaguyod nang mag-isa ang kanyang anak na si Heather.

Pero kailan lang ay naging bahagi ng isang proyekto si Valerie kunsaan nakatrabaho niya ang isang taong halos nagpa-quit sa kanya sa showbiz.

Ito ang rebelasyon ni Valerie sa PEP Challenge portion ng kanyang PEP Live interview kay Jimpy Anarcon.

Kuwento pa ni Valerie, sa 17 years niya sa showbiz, noon lang siya nakaramdam ng grabeng stress sa isang katrabaho.

Hindi raw siya makatulog noon kapag alam niyang makakasama niya ang taong ito sa kanyang trabaho at naapektuhan na nga raw ang kanyang mental health.

Sinabihan pa raw siya ng taong ito ng, "Yan na yun? Yan na ang acting mo?"

Dahil dito, kinuwestyon niya raw tuloy ang sarili sa kakayahan niyang magbigay ng epektibong pagganap o pag-arte sa harap ng kamera.

Panoorin ang kanyang PEP Challenge at baka magka-clue kayo kung sino ang tinutukoy ni Valerie na taong muntik nang magpa-quit sa kanya sa showbiz.

HOT STORIES

#ValerieConcepcion #PEPChallenge #RaisingMamay

Host: Jimpy Anarcon
Director: Rommel Llanes
Editor: Khym Manalo

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results