Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Vice Ganda promises to make people laugh amid ABS-CBN TV Plus, Sky Direct shut down

by Arniel C. Serato
Jul 1, 2020
It's Showtime hosts Vice Ganda and Anne Curtis react to closure of ABS-CBN digital broadcast after the National Telecommunications Commission (NTC) issued an alias cease and desist order yesterday, June 30.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ikinalungkot ng It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis ang pamamaalam ng ABS-CBN sa digital broadcast nito sa ABS-CBN TV Plus.

Pasado alas nuebe kagabi, June 30, tuluyan nang pinutol ang transmission ng digital signal ng mga programa ng istasyon sa TV Plus, mas kilala rin sa tawag na mahiwagang black box.

Kasunod ito ng inilabas na alias cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) kahapon.

Bukod sa ABS-CBN TV Plus, may cease and desist order ding inilabas ang NTC laban sa SKY Direct ng Skycable Corporation, ang cable channel ng ABS-CBN.

Ngayong araw, July 1, sa online at cable, via Kapamilya Channel at Skycable, na lamang mapapanood ang It's Showtime at iba pang programa ng istasyon.

VICE GANDA: "TATAWA PA DIN TAYO."

Kahit hindi na napapanood sa free-to-air TV at digital broadcast ang It’s Showtime, hindi ito naging hadlang sa pagbibigay-saya nila sa madlang pipol—ang turan sa masugid na tagasubaybay ng Kapamilya noontime show.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pangako ni Vice, pagagaanin nila ang pakiramdam ng viewers kahit sila man ay may mabigat na pinagdadaanan.

Saad ng 44-year-old TV host-comedian sa kanyang Twitter post: “Kahit mabigat ang pinagdadaanan natin gagawa kami ng paraan para mapagaan ang mga damdamin nyo.

“Pangako yan! Tatawa pa din tayo. #ShowtimeKaisaTayo

Continue reading below ↓

Sa kanya namang Instagram Stories, ipinakita ni Vice ang eksena nila sa set ng palabas.

Wala siyang inilagay na caption.

ANNE CURTIS: "TAKING AWAY PEOPLE'S CHOICE"

Kahit nasa Australia pa ang co-host ni Vice na si Anne Curtis, ipinahayag niya ang pagkadismaya sa sinapit ng ABS-CBN.

Parang hindi raw tama na sa panahon na kailangan ng mga tao ang balita at entertainment ay bigla itong ipinagkait sa taumbayan.

Continue reading below ↓

Lalo pa't may mga taong maaapektuhan ang kabuhayan dahil sa pangyayari.

Mensahe ng 35-year-old actress sa Twitter, “This is taking away (yet again) people’s choice of what they want to watch during a time when entertainment & information are needed.

“And most importantly - 2. This is taking away (yet again) jobs of citizens, at a time when finding another job is impossible! #IbalikAngABSCBN

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Anne, sana raw ay hindi na pakialaman ng mga kinauukulan ang online platform ng ABS-CBN.

Sabi niya, “Sana and Siguro naman, Hindi pwede galawin ang online platform noh??

“Follow and like these ABSCBN accounts. #LabanKapamilya #IbalikAngABCBN

Magpapatuloy ngayong araw ang ika-sampung pagdinig ng Kongreso sa franchise renewal bills ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime hosts Vice Ganda and Anne Curtis react to closure of ABS-CBN digital broadcast after the National Telecommunications Commission (NTC) issued an alias cease and desist order yesterday, June 30.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results