“Below the belt.”
Ganito inilarawan ng dating child star na si Xyriel Manabat ang mga malalaswang komento sa kanyang litratong ipinost niya sa Instagram noong Sabado, September 19.
Ayon sa 16-year-old actress, hindi nakakatuwa ang mga komento na nag-o-objectify sa kanya.
Sa vlog ni Darla Sauler, na may pamagat na CATCH UP in 10 Minutes with the TRENDING Xyriel Manabat! Dalaga na si Momay!, kagabi, September 20, nagsalita si Xyriel tungkol sa nag-viral niyang larawan.
Pahayag ni Xyriel: "Actually po, hindi po ako... hindi naman po ako napa-flatter sa ibang comments, kasi yung iba po, below the belt.
“And sana po, alam nila at aware po yung mga tao na sexual harassment is never, never okay. Hindi po siya fine.”
Hindi raw ito nakakatulong kaninuman, lalo na kapag menor de edad na tulad niya.
Ani Xyriel, "And sa mga nakaka-experience po, lalo na po kapag minor, siyempre hindi naman po sila sanay sa ganoon.
“So sana po, minor man, girls, boys, anumang age, anumang gender or anuman ang suot—sana po walang ganoon.
“Kasi never po siyang nakakatulong. Lalo na po sa ganitong may pandemic na madami pong pinagdadaanan na mental health na problems.
“Huwag na pong sumabay.”
Pakiusap niya, “Respect na lang po.”
XYRIEL'S PHOTO REMOVED ON FACEBOOK
Sa kanya namang Instagram ngayong araw, September 21, nagbahagi si Xyriel ng screenshots ng kanyang viral na larawan.
Sinamahan niya ito ng abiso mula sa Facebook na labag daw sa community standards ang kanyang larawan kaya ito tinanggal.
Pag-uusisa niya sa caption: “Why this?
“How come filthy uneducated comments and sexualizing others is not against their community guidelines while there is NOTHING, not a single thing, wrong with my post.
“All I see is a tall girl. Ako eon.”

Ipinaalala rin ni Xyriel na wala siyang Twitter account.

Nagsimula ang showbiz career ni Xyriel nang sumali siya sa talent search ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest: Search For The Next Kiddie Idol, noong 2009, kung saan naging runner-up siya.
Limang taong gulang lang noon si Xyriel.
Pagkatapos nito ay kinuha siya ng ABS-CBN, at nakilala nang husto sa kanyang pagganap sa title role na Momay noong 2010.
Ang iba pa niyang proyekto sa Kapamilya network bilang child star ay ang May Bukas Pa (2009), Agua Bendita (2010), Noah (2010), 100 Days To Heaven (2011), Ikaw Ay Pag-ibig (2011), Juan dela Cruz (2013), Hawak-Kamay (2014), at Nathaniel (2015).
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
