Para kay Zeinab Harake, ang current boyfriend niyang si Bobby Ray Parks Jr. na ang gusto na niyang maging partner for life.
Kahit kadalasan ay nasa ibang bansa ng kanyang basketbolistang boyfriend, pero sa maraming buwan na rin nilang pinagsamahan, tila mauuwi na ang kanilang relasyon sa kasalan.
Read: Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr. watch each other sleep on social media
Pahayag ng 25-year-old vlogger, "Napag-uusapan po namin yan.
"Napag-uusapan namin na taking time muna kami palagi, pero parehas kami, dun ang nakikita naming kapupuntahan ng aming relasyon.
"Kasi, para saan pa at mag-waste tayo ng time. Ang hirap gumawa ng memories na nai-involved na ang mga anak ko.
"[Sa] tingin ko naman, kung dadating yung time na... ready naman na ako.
"Pero yun, focused muna tayo sa work."
Ayon kay Zeinab, sobra nga raw mag-alaga ang kanyang boyfriend at lutang ang pagiging father figure nito sa kanyang dalawang anak.
Si Zeinab ay may anak sa dating karelasyon na si Skusta Clee, at may isang ampon.
Aniya, "Grabe naman po talaga. Minsan, siya pa ang naghahatid-sundo sa mga bata sa school.
"Kung paano niya alagaan. MInsan ay hindi ako makapaniwala na may ganitong lalaki na gagawa ng mga ganyan.
"Yung kukunin ang mga bata, para ihele. Yung mga ganung eksena. Para i-comfort yung bata. Dalawin ang mga bata.
"Minsan pag nasa trabaho ako, siya yung nakatambay sa kuwarto, doon lang siya. Di siya lalabas, or what.
"At ang pinakamaganda talaga sa kanya, yung communication namin, intact po talaga."
Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at ilang movie columnists and b/vloggers si Zeinab pagkatapos ng general mediacon ng pelikulang Kampon na ginanap sa Max's Restaurant, sa Tuazon, Quezon City, noong December 11, 2023.
Ang Kampon ang kauna-unahang movie project ni Zeinab at entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023. Idinirek ito ni King Palisoc.
ON SETTING LIMITATIONS
Maging sa kanyang movie career ay sobrang suportado siya. Ito ay sa kabila na maiinit ang mga eksena niya sa pelikula with Derek Ramsay.
Saad ng showbiz newbie, "Ganoon siya ka-supportive at naging open-minded naman siya.
"Actually, napag-usapan naming dalawa. Kailangan namin ng maayos na usap, and ang pinaka-thankful lang ako ay nasa matured partner na ako.
"Mas supportive siya in terms of craft na, 'Career yan, trabaho yan. I know you're doing that not only because of yourself, or your family, you're doing it 'cause you want something new na mae-explore mo sa career mo.'
"Yung mga ganun. Binigyan niya ako ng chance na mag-open ng mga bagong door sa life ko."
Wala ba itong sinet na limitations sa mga ginawa niya o gagawin pa in the future?
Ani Zeinab, "Huwag niyo lang ita-tag. O, huwag niyang panoorin.
"Marami namang ganun sa showbiz na nakikita ko na yung ka-partner nila ay may ka-love scene, o may kaeksena na medyo...
"Alam naman po natin na hindi talaga po siya ano. But it's work.
"Ginawa ko lang naman po yung best ko na walang kahit anong malisya. Si Sir Derek, ganun din po siya.
"Respect and pure hardwork lang po talaga."
Talking about her future career, hindi naman daw porke sexy scenes ang ginawa niya with Derek ay puro ganito na lang ang gagawin niya sa mga susunod niyang movies.
Sabi niya, "Hindi naman ako pumasok sa showbiz para sa mga ganitong eksena na lang.
"Nagkataon po lang na malala po yung role na natapat sa akin. Hindi po puwedeng mawala ang ganoong scene, kaya panoorin niyo kung bakit kinakailangan may ganoong scene."
Ngayon na nasimulan na niya ang pag-arte, bukod kay Derek, sino ang iba pang gusto niyang maging leading man in the future?
Ayon kay Zeinab, "Actually, madami po talaga.. Kasi, nai-starstruck pa rin ako.
"Para pa rin akong bata minsan na pag may nakikita akong artista, 'Hay, grabe, dati napapanood ko lang ito.' Tapos ngayon may pagkakataon na akong makausap, makaharap.
"So, naglu-look forward po ako kung sino pa."
Sinu-sino naman ang mga hinahangaan niyang artista?
Saad ni Zeinab, "Top two ko? Siguro, first ko si Ate Jen [Jennylyn Mercado]. Oo, sa girls ito, ha?
"Top one ko naman si Ate Marian [Rivera].
"Si Ae Jen kasi, nakikita ko sa kanya ang pagiging hands-on mama. Caring mama.
"Si Ate Marian naman, idol na idol ko sa pagiging mama din, at bago pa siya nagka-baby, ganun.
"Sobrang tinitingala ko sila."
