PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Princess Punzalan recalls reconciliation with dad Orly Punzalan

"Bago ako mag-asawa, kung anuman ang isyu ko sa tatay ko, kailangan matapos na."
by Rachelle Siazon
Published Jul 25, 2022
Princess Punzalan, Orly Punzalan
Princess Punzalan on living with father Orly before he passed away: "Sabi ko, 'Bago ako mag-asawa, which is going to be may second marriage, kung anuman ang isyu ko sa tatay ko, kailangan matapos na.' Kasi mahirap mag-umpisa ng marriage kung may nananatili tayong issue sa sarili nating tatay."
PHOTO/S: @realprincesspunzalan Instagram

Isang regalo para kay Princess Punzalan, 53 ang magkaayos sila ng amang si Orly Punzalan ilang buwan bago ito biglaang pumanaw noong January 2005.

Si Orly ay isang radio personality at naging asawa ng yumaong radio at TV host na si Helen Vela. Taong 1973 nang sila ay maghiwalay.

Pumanaw si Helen, na kilalang host ng drama anthology na Lovingly Yours, dahil sa sakit na lymphoma noong 1995.

Sa PEP Spotlight nitong July 22, 2022, binalikan ni Princess na hindi planadong manirahan siya sa bahay ng ama sa Cavite noong 2004.

Noong panahong iyon, engaged na si Princess sa American fiancé niya na si Jason Field at nakabase sila sa New York.

"Kasi di ako lumaki sa kanya. I don't have any memory living in one house with him.

"So, nung pumunta ako ng New York dahil engaged to be married na kami ng asawa ko, nakatanggap ako ng tawag na sinasabi na kailangan ng tatay ko ng tulong noong natanggal siya sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At the time, ang trabaho ko sa isang restaurant parang 12 dollars lang per hour. Parang di pa enough na makabayad ng upa.

"So sabi ko, 'Di ko matutulungan ang tatay ko kung mananatili ako sa Amerika na ganito lang ang suweldo ko.'"

Nagdesisyon daw siyang tumira sa bahay ng ama.

"Umuwi ako ng Pilipinas para mag-artista ulit.

"Sabi ko, 'O sige, uuwi ako. Pero dahil wala na akong gamit, wala na akong mine-maintain na bahay, I had to live with him sa Cavite. Titira ako sa inyo.'

"Tumira ako sa kanya. Then I went to work from Cavite. Taping ko Quezon City. Madaling-araw pa lang lalabas na ako ng Cavite para makarating on time sa set."

Read: Princess Punzalan opens up about how she gave up showbiz for her true love in the U.S.

GETTING TO KNOW HER FATHER

Doon niya mas nakilala ang ama na hindi niya nakagisnan habang lumalaki siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Princess sa PEP.ph, "Hindi ko pinagsisihan yun dahil the few months na magkasama kami sa bahay dahil madaming bagay na na-settle between us.

"May mga maling akala ako na na-correct. May mga issue ako na parang na-resolve na mga issue ko with him.

"Not knowing na few months later, mamamatay na siya."

Dahil 36 taong gulang na siya noon, mas naintindihan ni Princess ang pinanggalingan ng ama kahit pa lumaki siyang hiwalay na ang mga magulang.

"So, I was given an opportunity to make up with him and get to know him better and to know that he loves me.

"Hindi man siya masyado masalita or hindi man siya masyado showy, pero naramdaman ko na mahal niya talaga ako nung mga pagkakataong nandun ako sa kanyang poder."

Makalipas ang pitong buwan, namatay si Orly matapos dumanas ng cardiac arrest noong 2005.

HOW HEALING PAST WOUNDS PREPARED HER FOR MARRIAGE

Napagtanto naman ni Princess na malaking bagay na nagkaayos sila ng ama bago siya pumasok sa pagpapakasal noong 2005.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yun ang major reason ko for going back and helping him. Sabi ko, 'Bago ako mag-asawa, which is going to be may second marriage, kung anuman ang isyu ko sa tatay ko, kailangan matapos na.'

"Kasi mahirap mag-umpisa ng marriage kung may nananatili tayong issue sa sarili nating tatay.

"And normally, kung ano iyong issue natin sa parents natin, pag di resolved, it always comes back sa marriage relationship," paliwanag ni Princess.

Unang ikinasal si Princess kay Willie Revillame noong 1990, pero napawalang-bisa iyon noong 1997.

Nakatulong daw na inayos ni Princess ang personal issues niya para mas malaya siyang magmahal muli.

"And what happened was because my perception of my father changed, yung mga maling akala ko nagbago, nakorek yung mga maling bagay na naiisip ko, nagbago yung patterns ko in my relationship.

"Kung nagkaroon man ako ng pattern in my past, after ko makilala ang tatay ko and ma-resolve yung issue namin, mas naging maganda siyang pundasyon for marriage sa aking experience."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Princess ay happily married sa mister na si Jason Field hanggang sa kasalukuyan. Mayroon silang adopted daughter na si Ellie.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Princess Punzalan on living with father Orly before he passed away: "Sabi ko, 'Bago ako mag-asawa, which is going to be may second marriage, kung anuman ang isyu ko sa tatay ko, kailangan matapos na.' Kasi mahirap mag-umpisa ng marriage kung may nananatili tayong issue sa sarili nating tatay."
PHOTO/S: @realprincesspunzalan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results