Inaanyayahan ni Julia Barretto ang lahat na suportahan ang kanyang charity bazaar ngayong araw, Linggo, November 17. Ito ay gaganapin sa Capitol Greenstreet function room, Capitol Golf Club, Capitol Hills, Old Balara, Quezon City. Magsisimula ito mula 3 p.m., o ilang minute mula ngayon, at magtatapos ng 5 p.m.. Bagama’t walang entrance fee, hiniling ni Julia—at ng kanyang mga kapatid at ina na si Marjorie Barretto—sa bawat mamimili, na magdala ng 5 bottled water, bilang karagdagang donasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
PEP Live
