Rumored movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa Hong Kong kukunan?

IMAGE Noel Orsal / Mark Nicdao for YES!

GORGY RULA: Abangan natin kung kailan bibiyahe si Kathryn Bernardo pa-Hong Kong.

Ang nasagap ko kasing kuwento sa ilang reliable source ng PEP Troika, magkakaroon siya ng immersion doon para sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Hindi pa raw sure kung kasama ang makaka-partner niya sa pelikulang ito na walang iba kundi si Alden Richards.

Sa Hong Kong umano kukunan ang karamihan ng mga eksena, kaya kailangan magkaroon ng immersion doon ang pangunahing karakter.

Inaasahang magsisimula ang shooting sa susunod na buwan, at sa Mayo raw ang tina-target na playdate.

Nagka-casting na sila para sa pelikulang ito, pero maingat daw ang mga staff sa pagbibigay ng impormasyon hangga’t hindi pa nakapaglabas ng kumpirmasyong magsasama nga sa isang pelikula sina Kathryn at Alden.

Abangan natin ang kanilang official announcement!

JERRY OLEA: Sana nga ay matuloy ang KathDen! Excited tayo riyan!

Ibinalita sa atin ni Queen Mother Karla Estrada na may gagawin si Daniel na dalawang pelikula minus Kathryn.

May nakapagbulong sa atin na ang former ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio ang makakasama ni Daniel sa isang film project.

Pero huwag muna nating dalirutin iyon dahil sa Marso 27 na ipalalabas ang movie ni Charo with Bea Alonzo na Eerie.

Si Maine Mendoza ay may Arjo Atayde na.

Sabi nga natin noon pa—Goodbye, AlDub! Hello, ArDub! Or should I say ArMaine?!

Kaya welcome na welcome sa atin ang tambalan nina Kathryn at Alden!

NOEL FERRER: Need I say more?

If it’s from the TROIKA, it must be REAL. I rest my case.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN