Mr. Abra 2019, huling taong nakasama ni Chokoleit sa stage bago ito pumanaw

IMAGE Youtube (CTTO)

Magkahalong gulat, lungkot, at takot ang naramdaman ni John Paul Juanillo nang malaman nitong binawian ng buhay si Chokoleit, limang minuto matapos ang pagsasama nila sa stage.

Magkasamang nag-perform sina John at Chokoleit sa Kawayan Festival ng Abra, noong nakaraang Sabado, March 9, 2019.

Si John Paul o JP ang winner ng Mr. Abra 2019, at siya ang huling taong nakasama ni Chokoleit bago ito nalagutan ng hininga dahil sa heart attack at pulmonary edema.

Sa kuwento ni JP sa Cabinet Files, matindi na ang hapo ni Chokoleit nang hilingin nito na umakyat siya sa stage, pero walang-wala sa kanyang isip na inaatake na sa puso ang komedyante habang ginagawa nila ang comedy skit.

"Hinihingal na po siya. Akala ko po, wala lang kasi nga po tumakbo siya papunta at pabalik sa stage.

"Uminom naman po siya ng tubig. Gustuhin ko man siya na pahintuin sa performance niya, hindi ko po alam kung papaano. Sino naman po ba ako para pahintuin siya?" 

Dahil sa nangyari kay Chokoleit, nagkaroon daw ng realization si JP na sadyang napakaiksi ng buhay.

"Na-realize ko po na life is too short. What happened to Chokoleit made me appreciate life.

"Everything in this world is bound to be gone, and this should make us realize that the only moment we have is now. Let's savor everything we have.

"Let's spread love and kindness wherever we go because anything can happen in a blink of an eye."

Sa kabila ng halu-halong emosyon na naramdaman ni JP, masaya pa rin ito dahil siya ang nakasama ni Chokoleit sa huling pagkakataon.

"Masaya ako kasi sa huling pagkakataon, ako yung nakasama niya para magpasaya ng tao.

"Nakakalungkot na yon ang huli naming pagkikita at pagsasama." 

Naalala pa ni JP kung paano pinalakas ni Chokoleit ang loob niya at kinausap siya off mic habang sila ay nagpe-perform ng kanilang comedy skit.  

Mapapanood iyon sa viral video ng last show ni Chokoleit, kunsaan gumanap si Mr. Abra 2019 bilang "boyfriend" ng comedian. 

Kunwa'y gumawa sila ng mala-music video na "montage" ng "series of happy moments" kung paano sila naging magkasintahan. 

"Nang umakyat ako sa stage, sinabi niya sa akin na galingan ko lang daw po, at huwag ako mahiya, sumakay lang daw po ako.

“Nalulungkot nga po ako kasi yung iba, kahit paloko lang, sinasabi nila na ako raw ang dahilan ng pagkamatay ni Chokoleit.

"Alam ko naman po na biro lang pero pangit pa rin kasi pakinggan.

"Tapos yung iba, niloloko ako na baka kapag nakasama nila ako, sila naman ang sumunod.”

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN