Watch Now

Richard Reynoso, successful ang thyroidectomy

by PEP Troika
Mar 24, 2019
OPM Hitmen frontman Richard Reynoso, naagapan ang throat cancer matapos ng successful thyroidectomy.
PHOTO/S: Richard Reynoso Facebook

JERRY OLEA: Nagpasalamat si Richard Reynoso sa lahat ng prayers kaugnay sa operasyon (thyroidectomy) sa kanya nitong nakaraang Sabado ng hapon, March 23.

Naramdaman ni Richard ang God’s Grace pagpasok niya sa operating room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Halehalehoy! It was a successful operation.

“Dr. Rene Chan and his group did a fantastic job,” post ni Richard sa Facebook nitong Linggo ng umaga, Marso 24.

“It took them 6 hours kasi iningatan talaga nila na walang tamaang nerves habang tinatanggal yung thyroid.

“No lymph nodes present kaya di pa kumakalat yung cancer cells. No hoarseness sa boses ko.

“Medyo mahapdi lang lumunok but tolerable naman.

"Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

“In a month or two, we'll see how my singing voice turns out.

“Happy Sunday everyone.”

NOEL FERRER: OPM Hitmen will not be the same without Richard Reynoso.

Siya rin ang parang tumatayong spokesperson ng grupo.

Buti naagapan at patuloy nating ipagdarasal na malalagpasan niya ang pagsubok na ito.

GORGY RULA: Sana nga, hindi makaapekto iyan sa boses ni Richard.

Pero kung ako kay Richard, sana hindi na niya ipinost iyan.

Baka makaapekto pa iyan sa booking niya sa mga raket.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baka mamaya, magkadiperensya ang boses niya, malalaman pa dahil sa operasyong pinagdaanan niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
OPM Hitmen frontman Richard Reynoso, naagapan ang throat cancer matapos ng successful thyroidectomy.
PHOTO/S: Richard Reynoso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results