Kathryn Bernardo, napalundag kay Daniel Padilla nang sorpresahin siya sa HK

IMAGE CTTO via @kathnieloverdose / @officialkbbuddies Instagram

GORGY RULA: Kaagad nag-trending sa Twitter ang post ng surprise visit ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa Hong Kong.

Kitang-kita ang sobrang saya ni Kathryn Bernardo nang biglang dumating si Daniel kahapon, April 19, sa Hongkong.

Mangiyak-ngiyak si Kathryn nang nakita ang kasintahan. Lumundag kay Daniel at ang higpit nang pagkayakap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga KathNiel fans, siyempre, ang sobrang kinilig sa sweetness ng couple. Lalo na kay Daniel na talagang nag-effort na dalawin doon si Kathryn.

Ang ibang kuha na ni-repost ng ilang mga fans ay ang video na ibinahagi ni Daniel na pinamagatan niyang "Ikaw ang Aking Mundo." 

Mapapanood dito ang ilang kuha mula sa kamakailang bakasyon nina Daniel at Kathryn sa Japan. 

Nasa caption ng post na iyon ni Daniel, “Isang Produkto ng Pagmamahal”.

View this post on Instagram

Isang Produkto ng Pagmamahal.

A post shared by Daniel (@supremo_dp) on

Wish naman ng ilang fans na sana ay doon na rin sa Hong Kong i-celebrate ni Daniel ang birthday niya sa April 26.

Magtatagal kaya roon si Daniel? Ang mahalaga ay going strong silang dalawa—na siyang napasaya lalo sa KathNiel fans.

NOEL FERRER : Masaya nga raw ang ganap sa set nang dumating si Daniel.

Sayang at wala si Joross Gamboa dahil umuwi muna siya para makasama ang pamilya sa Holy Week, habang ang mga eksena nina Kathryn at Alden Richards muna ang kinukunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay pa rin ito ng shooting ng Hello, Love, Goodbye, ang pelikulang pinagbibidahan nian Kathryn at Alden o KathDen. 

Bukas ang balik ni Joross at mukhang nandun pa rin daw si Daniel.

Kasi, kahit na pauwi man si Alden para pasinayaan ang McDo branch niya, tuluy-tuloy daw ang shoot ni Kathryn sa Hong Kong.

At least tuluy-tuloy ang ligaya!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close