Aga Muhlach at Nadine Lustre, bida sa Pinoy version ng Miracle In Cell No.7

IMAGE Viva Films

All over ang balita tungkol sa pagtatambal nina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa bagong movie project ng Viva Films.

Pero walang ibang detalye na lumabas.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Tagalog adaptation ng blockbuster Korean movie na Miracle in Cell No.7 ang pelikulang gagawin nina Aga at Nadine.

Ang Miracle in Cell No.7 ang 2013 drama-comedy movie na umani ng mga parangal mula sa iba’t ibang award-giving body sa South Korea, nagpaluha sa mga Pilipino nang ipalabas ng GMA-7 sa telebisyon noong September 2014, at pang-lima sa highest-grossing Korean film of all time.

Mga bida rito sina Ryu Seung Ryong, Kal So Won, at Park Shin Hye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama nina Aga at Nadine sa Philippine adaptation ng Miracle in Cell No.7 sina Joel Torre, JC Santos, at Arjo Atayde.

Ipinagkatiwala ng Viva Films kay Nuel Nuval ang direksyon sa Miracle in Cell No.7 na balak isali sa Metro Manila Film Festival sa December 2019.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close