Katatapos lang ng kasal ng GMA News reporter na si Oscar Oida at TV5 reporter na si MJ Marfori na ginanap sa San Agustin Church. Well-attended ang kasal ng mga kaibigan ng dalawa mula sa news department ng GMA-7 at TV5. Ilan sa mga dumating ay sina Sen. Bongbong Marcos, Manny V. Pangilinan, at Atty. Felipe L. Gozon, gayundin sina Bianca King at Derek Ramsay na part ng wedding entourage.
PEP Live