Napag-alaman ng PEP na pumunta na si Ai-Ai delas Alas sa burol ng yumaong direktor na si Wenn Deramas kaninang bandang alas-tres ng madaling-araw. Kasama raw ni Ai-Ai na nagpunta sa Arlington Memorial Chapels ang mga kaibigang sina Arnell Ignacio at Arnel Tamayo at ang boyfriend ng komedyana na si Gerald Sibayan.