Miss Earth 2016 Update: Hindi nakapasok sa Top 16 ang pambato ng Pilipinas sa Miss Earth 2016 nas si Imelda Schweighart. Nakapasok naman ang half sister ni KC Concepcion na si Cloie Syquia Skarne bilang representative ng Sweden. Ang iba pang nakapasok sa semifinals ay ang mga kandidata mula sa Colombia, South Korea, Northern Ireland, Italy, Indonesia, Venezuela, England, Brazil, Vietnam, Mexico, Macau, South Africa, Ecuador, Australia, at USA. Kasalukuyang ginaganap ang grand coronation night ng Miss Earth 2016 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.