Hindi nakapasok ang Philippine entry na Ma' Rosa sa shortlist ng Best Foreign Language Film category ng Oscar Awards. Ang walong pelikula na nakasama sa shortlist ay ang mga sumusunod: Tanna (Australia), It's Only The End of the World (Canada), Land of Mine (Denmark), Toni Erdmann (Germany), The Salesman (Iran), The King's Choice (Norway), Paradise (Russia), at A Man Called Ove (Switzerland). Dito pipiliin ang limang final nominees na iaanunsiyo kasabay ng iba pang Oscar categories.