ShaRob film, mega soon katapat ni Barbi

Nov 11, 2017

NOEL FERRER:

GORGY RULA: Ano naman 'yan? Buti pa si Mega dami pa niya naiisip para sa career niya. Samantala, si KC Concepcion parang happy na siya sa tahimik na buhay. Mauuna pa ba siyang mag-retire sa mommy niya?

JERRY OLEA: "It's unfair! It's unfair!" to compare Sharon Cuneta with the Mega-Daughter.

Magkaiba sila ng tinahak na landas.

Andaming box-office crowns ni Mega.

There was a time na mabentang-mabenta si KC sa endorsements, but...

Saka it's about time na rin siguro na pagtuunan ni KC ng panahon ang personal niyang buhay.

She's not getting any younger. Her biological clock is ticking, ika nga.

(KC is 32 years old.)

NOEL FERRER: After a period of silence sa social media ng Megastar Sharon Cuneta, heto at nag-post na siya ng teaser para sa kanyang bagong pelikula sa Star Cinema with Robin Padilla entitled Unexpectedly Yours, by Direk Cathy Garcia-Molina.

Kung matutuloy ito, makakatapat nito ang pelikula nina Joey de Leon at Paolo Ballesteros na Barbi D’ Wonder Beki. Interesting na tapatan!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Noong Wednesday morning pa "na-resurrect" si Mega sa Facebook, when she posted about Isabel Granada's demise.

And then, ni-repost niya itong teaser about her movie with Robin na Unexpectedly Yours.

I remember, nagpapalabas noon ang Viva Films ng Sharon Cuneta movie sa playdate na last week of November.

Iba siyempre ang mega-kilig na hatid nila ni Robin. Level up sa Maging Sino Ka Man (1991) at Di Na Natuto!

NOEL FERRER: And now that VIVA is celebrating their 36th Anniversary, it’ll be good to see how a Sharon Cuneta commercial film will fare in its favorite playdate; also with a favorite box-office partner, Robin Padilla.

GORGY RULA: Ang Sharon-Robin ang isa last two movies na gagawin ni Direk Cathy Garcia-Molina bago siya mag-quit sa showbiz.

True ba na kaya di sila makapag-start, ayaw daw pagupit ni Robin. Sana ma-clear 'yan.

JERRY OLEA: Last month (October 11) ni-release ng Star Cinema ang pelikulang Seven Sundays na dinirek ni Cathy Garcia-Molina. Blockbuster!
Positibo ang feedbacks!

Continue reading below ↓

May panaka-nakang promo pa para sa Seven Sundays, pero heto at may pahaging na sa ShaRob movie...

NOEL FERRER: Basta sana matapos ito in time for their playdate at matutuwa ang mga Sharonians!

At kung sa nakaraang movie ng Direk Cathy ay may dance number ang cast na kasehodang drama ang pelikula ha, dito rin sa Unexpectedly Yours, may sayaw din si Sharon ar Robin as posted by Sharon’s daughter sa kanyang IG stories.

Nahihilig si Direk Cathy sa pagpapasayaw, ha!

NOEL FERRER: Si Sharon na mismo ang nagsabi sa social media account niya na showing November 29 ang movie nila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results