Dingdong and Marian mingle with politicians

Nov 11, 2017

GORGY RULA: Kararating lang ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Midori Hotel, Clark, Pampanga.

Inimbitahan ang Kapuso Primetime King at Queen sa welcome dinner para kina Cambodian Prime Minister Hun Sen at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi, kasama ang iba pang mga delegado na kabilang sa ASEAN Summit 2017.

Nag-request si PM Hun Sen na makilala nang personal si Marian dahil kilalang-kilala siya sa naturang bansa, at kasalukuyang napapanood doon ang serye niyang Carmela.

Si Gloria Macapagal-Arroyo ng 2nd district ng Pampanga ang nag-host ng naturang dinner.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Uy! I smell something political! Handa na bang sumabak si Dingdong sa pagsisilbi sa bayan?! It's about time!

NOEL FERRER: Dingdong has our respect at kung dun man siya mapunta, with his best intentions and his skill and the goodwill na naibigay niya sa industriya at sa bayan, we would want him to succeed.

GORGY RULA: Sabi ni Marian; "Masaya ako at honored na maimbitahan sa mahalagang Welcome Dinner kay Prime Minister Hun Sen, lalu na't nalaman kong tinatangkilik ang iba sa mga GMA shows ko sa bansang Cambodia.

"Si Dong ang kinontak para imbitahin kami at mabuti naman at wala kaming trabaho today kaya kami naka-attend."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results