Rocco Nacino, puspusan ang paghahanda para sa Under The Stars show

Nov 13, 2017

NOEL FERRER: Nang kumustahin namin ang napakadisiplinadong si Rocco Nacino tungkol sa preparasyon niya para sa Bench 30: Under The Stars show sa Sabado, November 18, ang sabi niya ay puspusan talaga ang kanyang pagdyi-gym and lots of jiu jitsu.

Dagdag pa ni Rocco, “Lots of weight lifting. And most especially, lots of rest and healthy eating.”

Ibinahagi ni Rocco sa PEP ALERTS SQUAD ang kanyang recent training photos na pampagising natin sa napaka-hectic na linggong ito. Tayo lang daw ang meron nito.


Continue reading below ↓


“Sana ma-pull off ko, Kuya Noel. Please tell the other Noel (Manapat, lead stylist at consultant ng Bench) that I’m really grateful that he's helping me prepare for this.

"We talked months before for my stint. Ngayon, malapit na! I’m really excited!” pagbabahagi ng Haplos lead actor.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Ang maganda kay Rocco, lahat talaga kinakarir niya. Alam niya ang strength and limitations niya kaya tinatrabaho niya talaga para di naman siya mapahiya.

Sana ganun din ang ibang rarampa sa Bench.

Rarampa kaya si Paulo Avelino? Hindi rin kasi maingat 'yan, at walang pakialam sa mga lumilitaw na bilbil. Sana okay ang katawan ni Goyo ngayon.

Si Jake Cuenca kaya, babalik sa rampahan? Sana bumawi siya this time. Kahit ginalingan niya ang pagrampa sa The Naked Truth show last 2014, hindi pa rin maitatago ang mga nagmumurang bilbil. Sana bawi siya ngayon.


Continue reading below ↓

Sino pa kaya sa mga stars ang naghahanda nang bonggang-bongga para sa matinding rampahan sa Saturday?

JERRY OLEA: Wala na po sa Bench family si Jake Cuenca! Guitar underwear na ang ine-endorse niya!

Opo, kasali sa Under The Stars si Paulo Avelino. Pero sa photo shoot, tweetums siya. Hindi naka-underwear.

Ang "kapalit" ni Jake sa Bench, ayon sa manager niyang si Neil de Guia, ay ang baguhang aktor na si Bruno Gabriel aka Bruno Santos.

Si Bruno ay anak ni Lani Lobangco. Ang buong pangalan niya ay Bruno Gabriel Lobangco Santos.

Gaya ni Jake ay walang keber sa hubaran si Bruno. Wala itong saplot (at walang tape) sa shower scene para sa Kapuso show na G.R.I.N.D.

Isa si Bruno sa pitong millennial hunks na nagpasiklab sa preview ng Under The Stars noong October 23 sa Ibiza Beach Club, BGC, Taguig City.

Ang iba pang male celebs na rumampa roon ay sina Albie Casino, Addy Raj, Marco Gumabao, David Licauco, Mark Mugen at Kiko Estrada.

Continue reading below ↓

So far, sa promo pics ng Bench denim & underwear show na gaganapin sa Sabado sa MoA Arena, bumulabog sa mga bading ang litrato ni Marco Gumabao na nagmumura ang bukol.

Lay me down �??? Don’t miss @gumabaomarco on the runway at #BenchUnderTheStars #Bench30Years

A post shared by benchtm (@benchtm) on

Mas pumukaw iyon sa pansin ng mga beki kesa sa mapangahas na litrato ni Markki Stroem kung saan litaw ang puwet nito.

Ano ba ang ipinapahiwatig ng pose ni Markki na nakatuwad ito at nakabuyangyang ang behind?

Kung wala man ang "favorito" ni Tito Gorgeous na si Jake sa upcoming show, andiyan naman ang hottest Math teacher na si Pietro Boselli, pati na ang international models na sina Tobias Peter Wolf, Daniel Morres, Christian Kiel, Christian Berczes, Ivo Buchta & Trevor Signorino, at ang Philippine Volcanoes.

Kabilang din sa 70 stars ng palabas sina Anjo Damiles, Daniel Padilla, Derrick Monasterio, Diego Loyzaga, Dominic Roque, Enrique Gil, Enzo Pineda, Iñigo Pascual, John Spainhour, Ken Chan, Pancho Magno, Richard Gutierrez, Rocco Nacino, Ruru Madrid, at Tom Rodriguez.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Rocco Nacino
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results