Ruru Madrid replaces Alden Richards in new Kapuso drama series

Nov 13, 2017

GORGY RULA: Kasalukuyang ginaganap ang story conference ng bagong drama series ng GMA-7 na wala pang na-finalize na title.


Ito dapat ang gagawin ni Alden Richards na hindi natuloy at ipinagkatiwala kay Ruru Madrid.

Sabi ni Ruru, "Sobrang thankful ako dahil para i-offer kay Alden yung show, ibig sabihin malaking project yun. Panibagong yugto sa karera ko 'to kaya nakaka-excite."

Continue reading below ↓

Kasama rin dito ang dating Kapamilya actor na si Matt Evans.

Aminado si Matt na sobrang kabado siya sa first project niya sa Kapuso network.

Si Rams David ngayon ang nagha-handle kay Matt.


Ito na rin ang seryeng magbabalik ng GabRu loveteam nina Gabbi Garcia at Ruru.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nabalitaan namin na dito sa teleseryeng ito rin kasama si Ai-Ai delas Alas, pero hindi ito nakarating sa storycon dahil maysakit daw ito.

Pagkatapos sumabak sa teleserye sa GMA-7 na Let The Love Begin, na sina Ruru at Gabbi rin ang mga bida noon, minsan na ring sinabi ni Ai-Ai na relax muna siya at hindi na muna siya gagawa ng soap opera ulit.

Pero bakit siya napa-oo sa proyektong ito?

At balitang sa November 20 ang simula ng taping ng soap opera na ito. Paano na ang preparasyon ni Ai-Ai sa kanyang nalalapit na kasal? Kailan din kaya ito ipapalabas?

Iisa pa lang ang nababalitaan nating papatapos na ang airing, at yun ay ang Alyas Robin Hood Book 2, at may tatlo nang soap operang nag-announce ng pagsisimula ng produksiyon—ang The One That Got Away, Santa Santita, at ito ngang kina Ruru at Gabbi project.

Ano pala ang papalit kanino? Abangan natin ‘yan!

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Ruru Madrid, Alden Richards
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results