Bubble Gang celebrates 22nd anniversary with a Parokya Ni Edgar musical

Nov 14, 2017

NOEL FERRER: Ngayong araw, November 14, gaganapin ang taping para sa 22nd anniversary ng long-running gag show ng bayan na Bubble Gang.

At para sa kanilang anniversary presentation, nag-collaborate ang grupo ng Bubble Gang sa mga bihasa na sa teatro na sina Myke Salomon, Vince de Jesus at Rem Zamora para buuin ang isang musical base sa mga kanta ng iconic ding Parokya Ni Edgar.

Maganda sana kung sa isang tunay na teatro gaganapin ito, tulad ng naunang request ng grupo ni Michael V. Pero dahil sa budget constraints ay sa GMA Studios na lang ito gaganapin.

Puwedeng tawaging “Parokya Beinte Dos” at “Parokya Bubble Gang” ang palabas, medyo hindi karaniwang format ang gagawin ng cast.

Sa katunayan, ang iba sa kanila na dati’y bumabangka ay nasa sidelines lang ngayon.

Oh well, hindi naman ito pansariling effort lang, it’s about the team kaya nananatili pa rin ang Bubble Gang kasi everyone’s doing it for the team!

Continue reading below ↓

Happy Anniversary, Bubble Gang 22!

22 years of fun and laughter! Happy anniversary, Bubble Gang! �� #BubbleGang22ndAnniversary

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

GORGY RULA: Happy anniversary, Bubble Gang! Hay! Kung di natsugi ang Startalk namin, kasabay pa sana sa celebration ng anniversary.

Ang ganitong matatagal na show, hindi malayong nagkakarelasyon ang magkakatrabaho sa isang show.

Sa Startalk namin, malabo namang magkakarelasyon ang mga host, kaya ang staff na lang ang nag-aasawahan.

Dito naman sa BG, sa pagkakaalala ko, sina Andrea Torres at Sef Cadayona lang ang nagkadebelopan. Baka naman quiet lang ang iba?

Pero ang sure ako, marami sa mga taga-Bubble ang nagkakatikiman, huh!

Wala na sila diyan ngayon pero napapag-usapan noon ang dalawang sexy stars na dating regular ng naturang gag show, na type nilang makipagtikiman sa mga hunk actors na kasama nila.

Meron magkaibigang sexy stars na nakipagtikiman kay hunk at magaling na actor ang isa, at ang isa naman ay tinikman ang guwapong actor na galing sa isang talent-reality search. Tapos nag-compare notes ang dalawang beshies! Hindi ko lang sure kung may nangyaring swapping!

Continue reading below ↓

Ngayon kaya may tikiman ding nangyayari? Huwag niyong i-deny!

Alam naming di niyo sineseryoso ang mga ginagawa niyo kasi nga naman gag show 'yan! Kaya ini-enjoy na lang!

JERRY OLEA: Ang original (1995) cast members ng Bubble Gang na sina Ogie Alcasid, Aiko Melendez, Sunshine Cruz, at Wendell Ramos ay Kapamilya na.

Sina Michael V at Antonio Aquitania na lang ang naiwan sa d' originals ng longest-running gag show ng bansa.

Pioneer din dito si Assunta de Rossi na nasa Kapuso drama series na Impostora.

Nasaan na ba ang iba pang origs ng programa na sina Susan Lozada, Eric Fructuoso, Maricar de Mesa, Wowie de Guzman, at Jackie de Guzman?

Kabilang sa alumni ng BG sina Toni Gonzaga, Ellen Adarna, Francis Magalona (RIP), Alma Concepcion, Aya Medel, Amanda Page, Angelika dela Cruz, Ara Mina, Diana Zubiri, Francine Prieto, Carla Abellana, Rufa Mae Quinto, Sam Pinto, Gwen Zamora, at Max Collins.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results